CHAPTER 6: THE SACRIFICIAL LAMB

26 0 0
                                    


Ika- 23 ng Abril, naganap ang labanan sa Quingua (Plaridel, Bulacan ). Pinigilan ni Heneral Gregorio del Pilar ang ilang pangkat ng Amerikano sa Luzon ngunit hindi nagtagal. Gumamit ang mga Amerikano ng "Artillery Bombardment" kasabay sa pwersang panlupa para mapilitang umalis ang mga Pilipino.


Ika- 5 ng Hunyo, Nag punta si Heneral Antonio Luna sa Cabanatuan. Inanyayahan siyang bumuo ng panibagong gabinete ni Presidente Emillio Aguinaldo. Umakyat si Luna sa hagdan ng headquarters, roon nakasalubong niya ang isang opisyal na minsan niyang inalisan ng armas sa kaduwagan at isang dating kaaway na tinakot niyang arestohin.


Sinabihan siyang umalis na si Aguinaldo patungong San Isidro, Tarlac. Nagalit si Luna sa balita at kung bakit hindi siya nasabihan agad. Sa oras ng kanyang pag-alis, nakarinig siya ng isang putok ng baril sa isang plaza. 

Mainit pa rin ang kanyang dugo at nagmadaling bumaba ng hagdan ay nakasalubong niya naman ang isang kapitan may kasamang Kawit Batallion na minsan naman niyang inalis sa katayuan sa salang pagsuway.


Iwinasiwas niya ang kanyang bolo kay Luna na siyang ikinasugat ng kanyang ulo. Ang mga tauhan naman ng kapitan ay nagpaputok kay Luna habang ang iba nama'y tinangkang manaksak. Sinubukan pa ni Luna na iputok ang kanyang dalang revolver sa isa sa mga umaatake sa kanya.


Naghikahos pa siyang nagtungo palabas ng plaza kung saan ang dalawa sa kanyang kasamahan ay nakabantay. Maging ang kanyang dalawang opisyal ay tinambangan, ang isa'y napatay habang ang isa'y malubhang sugatan.


Bago bawian ng buhay si Heneral Antonio Luna, ang kanyang huling mga salita'y, "MGA DUWAG! MGA MAMAMATAY TAO!".

Roon, namatay ang Heneral sa kamay ng mga opisyal ni Pangulong Emilio Aguinaldo.


Ika- 10 ng Hunyo, ninais nina Carlos at Antonio na tumungo ng Maynila. Sa kanilang paglalakbay, narating nila ang Zapote, Las Piñas. Roon, maraming sundalong Pilipino ang nagtayo ng mga trenches at mga artillery malapit sa isang tulay sa ilog ng Zapote. 


Ang naturang ilog ay nagkokonekta sa mga bayan ng Imus at Bacoor sa timog, Las Piñas at Maynila naman sa hilaga. Ang mismong tulay ay sira at pansamantalang dinugtong lamang ng mga kahoy para may madaanan.


Roon, sila'y namalagi at naghandog ng karagdagang tulong laban sa Estados Unidos. Sumunod na araw, napag-usapan ng dalawang magkaibigan ang mga pangyayaring naganap kamakailan. 


Habang nagpapahinga ang dalawa mula sa trabaho, naupo sila sa tabing ilog.


Tahimik lamang si Antonio, tulalang pinamamasdan umagos ang tubig...

"Napansin kong palagi kang tahimik nang mga nakaraang araw, kaibigan.", pag-alala ni Carlos. Walang imik pa rin si Antonio...

.........

"Ano na ba ang tumatakbo sa iyong isipan?"

.........

"Alam mo, hindi nakabubuti ang pagkimkim ng damdamin. Magsalita ka, makikinig ako.", ani niya sabay suntok sa maliit na bisig ni Antonio.

.........

EL KAPITANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon