CHAPTER 29: SKEPTICISM

8 0 0
                                    


Napatingin sila Antonio at Lawrence kay Benjamin habang naglalakad papalapit sa kanila...

"Anong sabi ng doktor?", tanong sa kanya ni Antonio.


"Hindi sila pumayag, pare. Policy ata ng ospital pero kung si doc lang siguro ang masusunod, okay lang sa kanyang bumisita ka.", sagot ni Benjamin at muli siyang umupo sa tabi ni Antonio.


Labis na nalungkot si Antonio sa binalita ni Benjamin. Napayuko na lang siya at natahimik...

"Ayos ka lang, pre?", tanong ni Lawrence.


"Hindi. Gustong-gusto ko siyang makita ulit. Labis akong nag-aalala.", mahinang sabi na lang ni Antonio.


"Sa ngayon, sabi ni doc nasa mas maayos na lagay na si Natasha mula nang dumating kayo. Bumubuti na siya. 'Wag ka masyado mag-isip nang kung ano-ano. Nasa ospital kayo, pare.", ngiti ni Benjamin.


"Nasabi rin ni doc sa'kin 'yung ginawa 'mong pagsalba kay Natasha. Maraming maraming maraming salamat, pare. Nang dahil sa'yo, buhay ang kaibigan namin.", masayang pasasalamat pa niya kay Antonio. "Mabuti na lang at ikaw ang kasama ni Natasha sa mga oras na 'yun.".


"Ngayon pa lang, pre. Nagpapasalamat na ko sa'yo at sa lahat ng magagawa mo pa. Tama ang desisyon ni Nat na isama ka sa ALLIANCE.", ngiting pasalamat rin ni Lawrence sabay akbay kay Antonio.


"Maraming salamat rin sa inyong lahat."


"Ito na ang umpisa, pre. Marami pa tayong kailangan gawin."


"Oo nga pala, maalala ko lang. Wala na kayong cellphone ni Natasha anoh?", tanong ni Lawrence at tumungo na lang si Antonio.


"Sige. Ako nang bahala 'dun."


Ilang sandali pa, may kumatok muli sa labas ng pintuan ng kwarto ni Antonio. Bumukas ito at sumilip si Maine Mendez, ang Head Intelligence ng ALLIANCE.


Pumasok siya para kamustahin si Antonio...

"Oh, Maine..", bati sa kanya ni Lawrence. "'Di namin alam na pupunta ka rin pala?".

"Sorry... Hindi ko na nasabi sa inyo. Hindi kasi ako mapalagay nung nalaman ko.", sagot ni Maine.


Bakas sa hitsura niya ang pag-aalala habang nakatingin kay Antonio.


"Kamusta ka na?", pangangamusta niya. "Si Ate?".

"Ayos na ang aking lagay. Maraming salamat. Si Nat, kasalukuyang--", sagot ni Antonio at natigilan siya nang magsalita si Benjamin.


"Nasa ICU, hindi pa namin siya nakakausap. Ang sabi ng doktor, umaayos naman na ang lagay niya.", tuloy ni Benjamin at parang masama ang loob niya kay Maine.


"Meng, anong nangyari?", tanong pa ni Benjamin at natahimik si Maine at mukhang naiiyak.

EL KAPITANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon