Ilang sandali pa, biglang umilaw ang cellphone ni Natasha sa lamesa. Agad niya itong kinuha para tignan. Nakiusyoso rin si Stephanie. Nag pop-up ang isang live CCTV footage sa harapan ng mansyon.
Kita nila na may isang lalaking naka-hoodie may takip ang mukha na nasa harapan ng malaking pintuan. Tumitingin-tingin pa ito sa paligid habang nakahawak sa dibdib. Kita nilang unti-unti siyang napaluhod sa may pintuan at tuluyan nang napaupo.
"Sino 'yan?! Is... he in pain?", taka ni Stephanie sa nakita.
"Let's find out.", aya ni Natasha at sabay na silang tumayo ni Stephanie. Kinuha ni Natasha ang bote sa lamesa at itinago niya ito sa likuran niya.
Dahan-dahan silang lumapit sa pintuan.
"Dito ka sa likod ko.", sabi niya kay Stephanie. Tila nawala ang antok nang dalawa.
Nang buksan ni Natasha ang pintuan, biglang humandusay sa harapan nila ang lalaki. Wala nang malay.
Agad siyang hinila ni Natasha papasok habang sinara at ni-lock naman ni Stephanie ang pintuan.
Dahan-dahang inalis ni Natasha ang takip sa mukha ng lalaki...
________________________________
Sa safehouse ng ALLIANCE sa MAYNILA...
Nasa salas pa sila Lawrence at Antonio, nag-iinuman. Lasing na si Lawrence at pipikit-pikit na ang mga mata habang si Antonio naman, tuloy lang sa pag-inom...
"Kaya mo pa ba?", tanong ni Antonio kay Lawrence.
"Ha? Oo naman! Aaako pahh.", lasing na sagot ni Lawrence.
"Ang 'rami mo kasing biniling alak, hindi natin ito kayang ubusin lahat.", sabi naman ni Antonio habang napakamot sa ulo at napatingin siya sa ilang case pa ng beer sa tabi.
"Ookay lang 'yaaan, preee. May susunod pa namaann.", sagot ni Lawrence at kinuha ang bote ng beer sa lamesa para tumagay pa.
"Antonio.", tawag niya at lumingon naman si Antonio.
"Aaalam mo 'bang mmmay binabalak kami ni Benjamin paaara ssa'yo?", lasing na sabi ni Lawrence.
Napakunot bigla ang noo ni Antonio, "May binabalak kayo sa akin?".
"Oo! Tuturuan ka dapat niya mag-gitara kaya niya 'yun pinakuha sssayo.", paliwanag ni Lawrence. "Kaso biglang dumating si Naaat.".
Napayuko na lang si Antonio, bakas sa hitsura niya ang lungkot, "Maraming salamat sa inyo.".
BINABASA MO ANG
EL KAPITAN
AcciónA story of hope, second chances, loyalty, perseverance and love. Written based on brief historical and current day events. A man from the past, veteran, patriot wakes up to the modern day era to live his second life only to realize that he lost ever...