CHAPTER 48: THE FORMER ASSOCIATE

8 0 0
                                        

(Previously)


Sa kabilang banda, SINGAPORE.


Sa tinutuluyang apartment ni Michelle.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Mag-isa lang siya at nasa trabaho pa ang iba pa niyang mga kasama. Abala sa sala si Michelle habang naglilinis at nagliligpit nang may narinig siyang kumakatok ng mahina sa may pintuan.

"Just a minute...", paalam ni Michelle sa kumakatok sa labas.


Ibinaba na niya ang hawak na pamunas at inayos muna ang sarili bago pumunta sa may pintuan. Pag bukas ni Michelle, wala namang tao. Sinilip niya ang paligid sa labas at nakita niyang papalapit na ang isa niyang kasama sa apartment galing trabaho.


"Oh. Bakit, may inaantay ka?", tanong niya.


"Wala. May kumakatok kasi kanina. 'Pag bukas ko, wala namang tao. Naglilinis kasi ako kaya 'di ko agad napagbuksan.", paliwanag pa ni Michelle.


Pumasok na sa pintuan ang kasama, "Hayaan mo na. Babalik na lang 'yun.".

"Sino naman kaya 'yun?", kamot na lang ni Michelle sa ulo.


Roon, isinara na nila ang pintuan.


Bigla namang may sumilip na lalaki sa 'di kalayuan. Nakasuot siyang itim na may takip ang buong mukha. Masusi niyang pinagmamasdan ang kabuuan apartment...


________________________________________


Tahimik na lumakad ang lalaki papunta sa may harapang pintuan ng apartment.


Samantala sa may salas, pansamantalang naupo muna ang kasama ni Michelle at ipinikit ang kanyang mga mata.

"Saglit lang... 5 minutes.", paalam niya kay Michelle at isinandal ang sarili sa sofa.

"Sige lang. Akyat muna ko ha.", sabi naman ni Michelle at agad nang umakyat ng hagdan.


Nagpunta siya sa kwarto at pagpasok niya ng pintuan, napansin ni Michelle na nakabukas ng bahagya ang bintana ng silid. Itinulak na lang niya ng kamay ang pintuan para sumara at naroroon sa likuran nito ang lalaking naka-itim.


Nilapitan agad ni Michelle ang bintana, dumungaw pa siya sa labas at sa may ilalim nito bago pa tuluyang isara. Pag balikwas ni Michelle sa kanyang likuran, bumungad sa mismong harapan niya ang lalaki.

EL KAPITANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon