[ANTONIO'S POV]
"Tony?!", pag-aalalang tawag ni Natasha sa akin at agad niya akong nilapitan para ako'y kalungin. "Ayos ka lang?! I'm so sorry! Hindi ko sinasadya.".
Hindi ako agad nakapagsalita at ipinikit ko muna ang aking mga mata, "Aray.".
Marahan na akong dumilat, medyo maayos na ang aking paningin. Maliwanag ko nang napagmasdan ang kagandahan ni Natasha. Alalang-alala talaga siya sa akin.
"Sabi ko na sa'yo easy ka lang eh!", sita naman ni Stephanie kay Natasha at lumapit rin siya sa akin. "Ayos ka lang?", tanong naman ni Stephanie sa akin.
Tumungo na lamang ako at nang umupo ako, maraming tao na ang nasa likuran namin. Lahat sila'y nakatingin at mukhang naghihintay para tumulong.
"C'mon. Get up.", sabi na ni Natasha sa akin at tinulungan niya ako tumayo.
"Okay, guys. Nothing to see here.", sabi naman ni Stephanie sa mga agents na nakapalibot sa amin. Roo'y isa-isa na silang nagsi-alisan.
Sa likod ng mga paalis na agents, naroroon pala si Leo at lumapit siya sa amin.
"Wala palang sinabi 'to eh.", natatawa niya namang kutya sa akin. Mukhang nasaksihan niya ang lahat ng nangyari.
Tinignan naman siya ng masama ni Natasha at Stephanie.
"Ohh.. bakit? Sinasabi ko lang ang nakita ko.", dagdag pa ni Leo.
"Nandito ka rin pala?", tanong ni Stephanie kay Leo habang nakapamewang.
Nangisi na lang si Leo, "Ah, oo. Actually may training kasi kami ng team ngayon at patapos na rin naman nang dumating kayo.".
Roo'y lumapit pa sa akin si Natasha at tumingkayad para tignan ang aking ulo, "Patingin nga ulit ako.".
Sa sandaling iyon, napakalapit na ng aming mga mukha sa isa't-isa. Biglang kumabog ang dibdib ko habang pinagmamasdan ko siya ng malapitan. Hindi ko mapigilan ang sarili 'kong hindi tumingin at mabighani sa kanya...
"Namumula na siya. Baka magbukol 'yan mamaya.", sabi naman ni Natasha at bigla siyang tumingin sa aking mga mata, "Mamaya ico-cold compress kita.". Saglit pa'y dahan-dahan naman siyang napatingin sa aking mga labi, sabay balik sa aking mga mata.
"Nat.", tawag na ni Leo at lumingon si Natasha sa kanya.
"Pwede ba kitang makausap? 'Yung tayong dalawa lang.", pakiusap pa niya.
Tumingin si Natasha sa amin ni Stephanie.
"Go ahead. We'll just take a short break.", paaalam naman ni Stephanie. "Tonio, tara.", aya na niya sa akin at tumungo na lamang ako.
Roo'y naglakad na kami ni Stephanie at naupo na muna kami sa gilid.

BINABASA MO ANG
EL KAPITAN
ActionA story of hope, second chances, loyalty, perseverance and love. Written based on brief historical and current day events. A man from the past, veteran, patriot wakes up to the modern day era to live his second life only to realize that he lost ever...