CHAPTER 46: SOCIAL GATHERING

8 1 0
                                        

(Previously)


Nararamdaman 'kong unti-unti nang bumababa ang kanyang kamay patungo sa aking bewang. Roon, laking gulat ko nang bigla niyang hawakan ang pagitan ng aking mga hita...


Natigilan ako bigla at napahawak ng mabilis sa kanyang kamay. Napaluhod na lang ako sa kanyang harapan.

"Bakit?", taka ni Natasha.


Bigla akong nahimasmasan sa kanyang ginawa. ANO BA ITONG GINAGAWA NAMIN?!

"Tony?", alalang tawag pa ni Natasha at naupo na rin siya aking harapan mula sa pagkakahiga.


Bigla akong nakaramdam ng labis na konsensya. Hindi dapat nangyari ito... Ano 'bang pumasok sa akin at nagawa ko ito?!


"Hey.", tawag pa niya sa akin at muling hinawakan ang aking makabilang pisngi. "Tony, look at me... what's wrong?".


H-hindi ko na alam ang aking sasabihin... Nagkasala ako ng malaki sa iyo. Mapatawad mo pa sana ako.

"Patawarin mo ko. Hindi ito dapat nangyari...", paumanhin ko agad.


Napayuko na lamang ako. Hiyang-hiya ako sa aking sarili.

Nakatingin lang sa'kin ng diretso si Natasha. Batid 'kong kinamumuhian niya na ako.


"Bakit ka nagsosorry?", tanong pa niya. "Ginusto mo rin naman 'yung nangyari, di'ba?".

"H-hindi dapat ito nangyari. Patawarin mo ako sa aking nagawa sa iyo.", patuloy ko pa.


Pansin 'kong seryoso na ang kanyang hitsura, bukal sa loob 'kong tanggapin kung ano man ang iparusa niya sa akin. Pangangatawanan ko ang aking nagawang pagkakamali.


"So, anong gusto 'mong sabihin? Na nadala ka na naman ng bugso ng damdamin?", sumbat na ni Natasha. "Na wala 'kang kahit na anong intensyon? Umpisa pa lang damang-dama ko na 'yang ano mo... bago ko pa hawakan.".


"Maniwala ka sana, hindi ko sinasadya ang nagawa ko. Nakkahiya. Wala akong intensyon na maging pagsamantalahan ka. Hindi iyon ang nangyari. Patawarin mo ako, Natasha. Hindi na ito m-mangyayari ulit. P-pangako...", nauutal ko 'pang paghingi ng tawad at bigla na lamang may tumulong luha sa aking mga mata.


Bakit ako biglang naluha? Marahil sa takot ko kung anong nang sasabihin o iniisip niya tungkol sa akin.

Nabigla rin si Natasha sa nasaksihan. Agad 'kong pinunasan ang aking mga mata nang yakapin niya ako bigla.


"I believe you.", bulong niya habang hinihimas ang aking likuran. "'Wala 'kang dapat ihingi ng tawad sa'kin. Ginusto natin 'to pareho.".


Bumitaw na siya sa akin at nakangiting pinunasan ang aking mga pisngi.


"The next time you do this, just make sure you really mean it. Okay?", ngiti pa ni Natasha at itinaas na niya ang strap sa kanyang balikat.


Next time? Ibig-sabihin...


"I know that look... whatever you're thinking, YES.", natatawa niya 'pang dagdag.

EL KAPITANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon