CHAPTER 30: MALICIOUS INTENT

9 0 0
                                    


(Inside Natasha's Room at the ALLIANCE Healthcare Facility)


"Ano 'to?"


"Resulta 'yan ng analysis ni Dex sa dinala ni Lawrence na syringe sa Lab. Gusto mo raw patignan kung anong laman? It turns out na may 3 magkahalong substances dito. Unknown doses of Pancuronium Bromide, a paralytic agent. Potassium Chloride, to stop your heart and Sodium Thiopental, for a medically induced coma that results to a...", paliwanag ni Stephanie sa dalang file.


"Lethal Injection.", mahinang tanto ni Natasha.


"And.... that's not all.", chismis ni Stephanie habang napataas ang isang kilay.


"Ano pa?", seryosong tanong pa ni Natasha.


"Ang buong Intelligence Department at Community natin... under investigation silang lahat sa nangyari sa inyo ni Antonio. Nasa hot-seat ngayon si Maine. Gigisahin siya after 3 days once na ipasa niya ang hinihingi nilang detailed report sa kanya."


"H-hah? On who's order?!", gulat ni Natasha.

"Director Vic.", sagot ni Stephanie.


"Shit.", bulong na lang ni Natasha, kitang labis siyang nabahala sa mga nangyayari at mangyayari pa lang.


"Si Meng..."


"Yeah. Si Meng.", sarcastic na sabi naman ni Stephanie habang naka-crossed arms.


Pansin ni Stephanie na mukhang nag-aalala si Natasha.

"Hoy... Don't tell me na mas nag-aalala ka pa kay Maine kesa sa mga nangyayari?!", sita pa ni Stephanie.


"Hindi ko maintindihan.", mahinang sagot naman ni Natasha.


"Ang ano?"


"Kung ano na 'bang nangyayari sa kanya.", sagot pa ni Natasha.


Sarcastic na napangisi na lang si Stephanie, "Ayoko sanang makialam sa kanya, pero... Nat. You're a spy. Wala ka 'bang kakaibang kutob sa kanya?".


"May tiwala ako kay Maine... we're also close at ako ang nagtrain sa kanya maging Head ng Intelligence kaya't hindi ko alam kung bakit tayo nagkaganito.", daing naman ni Natasha.



Hindi na nakatiis si Antonio sa mga naririnig kaya't sumali na siya sa usapan.

"Sa madaling salita, sinasabi mo 'bang maaaring bumaliktad sa ALLIANCE si Maine?", tanong ni Antonio kay Stephanie.


"It's a possibility... I don't know! Ang sinasabi ko lang, papaano pa ba natin siya mapagkakatiwalaan sa mga ginagawa niya? It's her first and only mistake and it nearly killed the both of you. Lalo ka na, Nat.", seryosong paliwanag pa ni Stephanie. "If you die, sa tingin mo, sino ba ang karapat-dapat na pumalit sa'yo? Wala! You're a top-level agent! Papaano na lang ang ALLIANCE?! Ang mga kasamahan mo? Papaano na lang ang pamilya mo? Si Antonio?! Sila Mimi?! Papaano na lang ako?!".

EL KAPITANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon