CHAPTER 2: VIVA ESPANYA

27 0 0
                                    


Ang bansang Pilipinas, sa panahong ito ay mahigpit na pinamumunuan ng bansang Espanya. Tinuring na itong isang colonya at tila malupit sa mga Indiong naninirahan sa sariling lupain. Lahat ng pagkakamili'y may katumbas na kaparusahan, malaki man at hanggang sa pinaka-maliit. Lahat ay lubos na pinag-hihirapan maging ang mismong hanapbuhay ay problema na din ng nakararami.


Hindi lahat maykaya at karamihan ay namamasukan lamang para magtrabaho. Malaki ang mga pinapataw na buwis kesa sa kinikita at patuloy pa itong nadaragdagan sa oras na naisin ng mga nakatataas. Iilan lamang ang pinalad magkaruon ng masaganang buhay, maging makapag-aral ay hindi kayang abutin ng lahat.


Salapi, isa ito sa mga pangunahing problema ng mga mamamayan. Edukasyon, ang tanging yaman na hindi kayang maagaw ng kahit sino man.

Bata pa lang sila Jose, Carlos, Flora at Antonio, hangga't may pagkakatao'y pinipili nilang laging magkasama para tuklasin ang mga bagay at pala-isipan sa buhay. Kahit hindi pormal na naka-tungtong ang tatlong kaibigan sa paaralan, gaya ni Jose ay may kanya-kanyang angking talento silang naipapakita na bibihira sa ibang kabataan.


Si Carlos, bukod sa mabilis matuto'y mabilis rin ang kanyang mga mata at kamay. Si Antonio, mabilis matuto't magkabisa at mahusay gumuhit. Si Flora naman ay may angking boses sa pag-awit.


Sa taong 1872, hindi na masyado nakakasama si Jose sa kanilang magkakaibigan hanggang sa lumuwas na siya papuntang Maynila upang ipagpatuloy ang kanyang edukasyon. Pumasok siya sa Ateneo de Municipal habang naiwan naman ang tatlong magkakaibigan sa Laguna.


Ang mga pamilya sa Laguna, may kanya-kanyang mga hanapbuhay. Sina Carlos, ang pamilya niya'y nag mamay-ari ng isang malawak na maisan sa Laguna. Ang pamilya naman ni Flora, ay may ilang taniman ng tubo at palayan. Ang pamilya naman ni Antonio, ay nag-aalaga at nag papalaki ng mga hayop upang ibenta.


Hindi sa lahat ng oras ay maganda ang ani, hindi sa lahat ng panaho'y masagana ang buhay. Kadalasan, ang mga alagang hayop ay nagkakasakit at malala, namamatay. Sa tatlong magkakaibigan, ang kabuhayan ng pamilya Maglaya ang pinaka-nagigipit. Sa oras ng singilan ng buwis tuwing katapusan ng buwan, minsa'y hindi sila nakababayad at napipilitang humiram ng pera upang ipantustos. May ilang pagkakataon pang hindi sapat ang pagmamakaawa at parusa ang madalas na inaabot ng mga magulang ni Antonio. Sa kabutihang palad, palaging naroroon sa kanyang tabi ang mga kaibigan upang maibsan ang pighati't kalungkutan.


Sa sumunod na buwan, may isang hindi inaasahang pangyayari. Nag punta si Carlos sa tahanan ni Antonio upang sabay mag-aral. Nagbalik ang mga Prayle at sa pagkakataong ito, kasama nila ang maraming Guardia at ang mismong Gobernador. Muli, sa kawalan ng kita'y walang maibigay ang mga magulang ni Antonio. Hinatak sila palabas ng tahanan at doon, pinag hahampas ng baril at sipa ang inabot ng kanyang ama.


"Diyos ko! MIGUEL!", sigaw ni Kriselda.

"Itigil niyo na 'yan! Parang awa niyo ho, pakiusap mga senyor!", iyak na pagmamakaawa niya habang nakaluhod sa harap ng Gobernador.

Si Antonio't Carlos ay nagsisigaw at pilit na hawak ng ilang Guardia.

"AMA! AMA KO!", iyak niya.

"Itigil niyo na 'yan.", utos ng Gobernador sa ilang mapanakit na Guardia.

"Iyan ang napapala ng mga hindi marunong sumunod sa buwis! Sa susunod na hindi kayo magbayad, higit pa 'riyan ang inyong matatamasa! Mga INUTIL!", taas noong sabi ng Gobernador at napatingin.

EL KAPITANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon