A story of hope, second chances, loyalty, perseverance and love. Written based on brief historical and current day events. A man from the past, veteran, patriot wakes up to the modern day era to live his second life only to realize that he lost ever...
"Pare koy...", biglang tawag sa'kin ni Benjamin at napatingin naman ako sa kanya. "Punta ka raw sa kwarto nila Natasha, nag-message sa'kin.".
"Sinabi ba nila kung anong dahilan?", taka ko naman.
"Hindi eh. Baka kakausapin ka lang nila? Puntahan mo na lang, pare.", pakisuyo ni Benjamin.
Roon, tumayo na ako at lumabas na ng aming silid. Hinanap ko sa kabilang dulo nitong napakalaking suite ang silid ng mga kababaihan.
Marahan akong kumatok sa pintuan nila at pagbukas ko'y naroroon sa higaan nakaupo sina Stephanie at Michelle. Napatingin silang sabay sa akin. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila.
"Pinapupunta niyo raw ako rito?", tanong ko sa kanila.
"Oo. Eh gusto ka atang kausapin ni Natasha.", sagot naman ni Michelle. "Maupo ka na muna dito sa tabi namin.".
"Wait mo lang siya ah, nag shower lang.", ngiting sabi naman ni Stephanie.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Bakit siya nakangiti sa akin? Anong mayroon?
Sandali... kung nagsho-shower si Natasha, eh bakit naman nila ako pinapunta agad rito?!
Ilang sandali pa'y tumayo na sila at nagpaalam na.
"Sige, dito ka muna ha? Sasamahan ko lang si Michelle sa kabilang kwarto.", paalam ni Stephanie sa akin at napatungo na lamang ako.
"NAATTT... sa kabila lang kami ha?", paalam na ni Michelle.
"Sige. Thank you!", sagot naman ni Natasha sa may CR.
Nagpaalam na kumaway sa akin si Michelle bago sila lumabas ni Stephanie. Ngayo'y ako na lamang magisa rito sa kwarto kasama si Natasha.
Ano kaya ang pag-uusapan namin?
Ang tahimik... naririnig ko ang mga patak ng tubig habang naliligo si Natasha. Bakit ganito... bigla na naman akong kinabahan.