CHAPTER 16: CHANGE OF HEART

7 0 0
                                    


Nagpunta si Catherine sa Apartment Unit ni Antonio. May mga kasagutan siyang gustong malaman.


"Antonio.", tawag niya. "May gusto sana akong pag-usapan. Importante lang.".


"Sige. Ano 'iyon?", tungo naman ni Antonio habang nakangiti sa kanya si Catherine.


"Nabalitaan ko kasing biglang lumipat na ng lugar 'yung ampunan. Alam mo ba kung saan?", tanong ni Catherine.


"Hindi eh. Wala silang nabanggit sa akin."


"Ganun ba? Si Natasha, kamusta naman?"


"Mabuti. Ayos lamang siya. Ikaw ba? Nung nakaraang nagkita tayo'y nagkaruon ka ng emergency.", tanto naman ni Antonio.


"Ahh. Oo. Naayos ko naman agad pagkadating ko sa trabaho and I'm good. Thank you.", ngising sagot sa kanya ni Catherine.


Tumungo-tungo naman si Antonio, "Mabuti kung ganoon.".


"'Nga pala, may contact ka kay Natasha? Number?"


"Number? Sa cellphone ba?", lito ni Antonio.


"Ay, hindi.. Oo! Sa cellphone syempre.", natatawang sagot naman ni Catherine.


"Ah! Sandali lamang.", sabi naman ni Antonio at pumunta siya ng kwarto para kunin ang naka-charge na cellphone. Agad rin siyang bumalik kay Catherine pagkakuha nito.


"Ahm... heto.", pakita naman ni Antonio ng cellphone kay Catherine. Pansin niyang hindi sanay si Antonio gamitin ito.


"Alam mo 'bang gamitin 'yang phone mo?", tanong naman ni Catherine.


"Hindi pa gaano. Pasensya na.", at napayuko na lang si Antonio.


"Gusto mo 'bang turuan kita?"


"Nakakahiya."


"Ano ka ba! Lahat tayo nagdaan sa ganyan.", ngiting sabi naman ni Catherine at inilapit niya ang kamay niya para antaying iabot ni Antonio ang cellphone.


Napatingin si Antonio sa kamay ni Catherine, tila nagdalawang isip siyang iabot ito sa kanya.

"Ang tagal naman. May tinatago ka siguro dyan ano?!", biro naman sa kanya ni Catherine.


"W-wala ah... Nakakahiya lamang kasi."


"Don't be. Amin na. Tuturuan nga kita.", sabi pa niya at dahan-dahang iniabot ni Antonio ang cellphone niya.


EL KAPITANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon