CHAPTER 3: THE REVOLT

17 0 0
                                    


Ang Katipunan o KKK (Samahang Kataastaasan, Kagalanggalang Katipunan ng mga Anak ng Bayan) ay itinatag nina Andres Bonifacio, Teodoro Plata, Ladislao Diwa at iba pa sa Maynila noong Ika-7 ng Hulyo taong 1892 ng gabi ng ipatapon si Jose Rizal sa Dapitan.


Sa bayan ng Laguna, may isang tanyang na kastilang Profesor na tinatawag ng karamihan na Senyor Manuel. 

Mayaman ang kanyang angkan at may malalawak na mga lupain. Ganoon pa ma'y hindi niya alintanang tumira at makibagay sa mga Pilipino, anong antas man ang pamumuhay. Isa siyang ginoong may respeto sa ibang lahi at kultura, maging siya'y hindi pabor sa pag papahirap ng mga kapwa Espanyol sa bayan ng Pilipinas.


Pinagkakatiwalaan siya ng mga taong nakakakilala sa kanya mapa-kastila o Pilipino. Dahil rito, siya'y madalas na takbuhan ng mga hinaing at sama ng loob ng mga tao. Nang palihim na matatag ang Katipunan, maraming Pilipino ang nakibalita at nais maki-isa sa himagsikan. Nakarating sa kanya ito at nais na makipag-pulong sa lahat ng nais sumama sa napipintong rebolusyon.


Nabalitaan ng apat na magkaibigan ang pag-tawag ng pulong ng Senyor. Nais nilang makibahagi sa samahan. Sabay-sabay na nagpunta sina Carlos, Antonio, Flora at Maria sa gaganaping pag pupulong sa tahanan ni Senyor Manuel. Bahagyang malayo-layo rin ang kanilang nilakad. Nang tanaw na ng apat ang bahay ng senyor, may naalala si Carlos.


"Mga kaibigan, kailangan ko munang bumalik sa aming tahanan. Nakaligtaan kong paalalahanan sina Ama at ang aking mga kapatid na may pag pupulong ngayon rito kina Senyor Manuel.", napakamot na lamang sa ulo si Carlos.

"Sige, humangos ka. Baka tapos na ang pulong sa oras na kayo'y dumating.", paalala ni Antonio.

"Hoy! Kahit kalian talaga, Carlos. Magmadali ka na!", pagalit naman ni Flora.

"Oo ba! Makakaasa kayo. Babalik ako..", at tumakbo nang pauwi si Carlos.


Sa kabilang banda, dumating ang iba pang mga kalalakihan upang maki-sama. Kasama rito sina Raul at Castor, ang mga mapagmataas nilang kababata. Maykaya sila at medyo angat ang pamumuhay sa karamihan. Bukod sa kanila, nagsidatingan din ang iba pa nilang kakilala.


"Hoy! Antonio! Bakit ka naririto? Umuwi ka na lamang, magiging pabigat ka lang sa aming lahat!", sigaw ni Raul.

"Hindi ako uuwi. Lalaban rin ako, Raul.", sagot ni Antonio sa insulto.

"Oo nga! Marahil bibitbitin ka namin pag kinailangan ng tumakbo. Dagdag problema ka lamang!", gatong pa ni Castor.

"Wag mo nang pag-isipang tangkain, Antonio! Kung mahal mo pa ang iyong buhay, wag ka nang sumali sa mga usapang lalaki!"

"Tama sila, Antonio!"

"Oo nga naman!", patuloy na asar at kutya ng ibang pang kalalakihan.


Walang ginawa kundi kutyain at pagtawanan si Antonio ng mga kasamahan. Pilit siyang tinataboy ng mga ito, mabuti na lamang at pinagtanggol siya ng mga kaibigan niyang sina Maria at Flora. Agad silang humarap at hinila si Antonio sa kanilang likuran.


"Oh! oh! Hayaan niyo na lamang sila. Wala namang saysay ang mga salita nila sa akin.", pabulong ni Antonio sa mga dalaga.

EL KAPITANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon