CHAPTER 7: RAID

17 0 0
                                    

YEAR:    2019



LOCATION:         LAS PIÑAS

DATE:                   JANUARY 05, 2019

TIME:                    01:00 AM

Isang gabi sa isang malaking warehouse sa Las Piñas...

Abala ang maraming kalalakihan na magkarga ng malalaki at mabibigat na mga bagay sa mga Cargo Truck. Lahat sila nagmamadali at alisto sa bawat pagkilos. Lahat rin ng kalalakihan ay armado ng iba't-ibang klase ng armas...

Matatapos na ang kanilang gawain at nilapitan ng dalawang armadong lalaki ang isang truck...

"Ano ba mga laman niyan?", tanong ng isang lalaki habang nagsisindi ng sigarilyo.

"Di ko alam. Importante yata. Ang daming malalaking kahon, 'yung iba gawa sa bakal. Ingat na ingat sila eh.", sagot naman sa kanya ng isa 'pang kasama.

"Mukha nga. Madaming magbabantay ngayon sa mga dadaanan ng truck."

"Alam mo 'bang isa 'yan sa pinakamalaking transaksyon natin? 50 milyon ata yan, pre. Ihahatid lang 'yang laman ng mga Cargo na 'yan."

"Talaga ba?! Sino naman kaya magbabayd ng ganun kalaking pera para dyan? Sana naman may bonus tayo kay Boss."

"Sana nga. Marami pa 'ko utang na babayaran. Ha ha!"

"Swerte mo kung ganon, kapapasok mo pa lang makakakubra ka na agad ng malaki."

"Nga pala, anong oras ba byahe ng mga yan?"

"Ngayon, paalis na."

Habang naguusap ang dalawa, sumenyas ang isa pang kasamahan na tapos na sila magkarga..

"Oh, aalis na pala."

"Sige! Larga na!", sigaw naman ng tumatayong lider nila sa warehouse.

Roon, isa-isang umalis ang mga Cargo Truck sa warehouse papunta sa isang lugar sa Maynila...


Samantala... 



LOCATION:                MANILA

DATE:                           JANUARY 05, 2019

TIME:                           01:20 AM


Sa isang malawak na lupain, may nakatirik na isang malaking mansyon. Matatanaw na maraming nakabantay na kalalakihan na armado at nagmamasid-masid.

Marami rin tao sa loob at sa sala nito...

"Parating na cliente natin. Umayos na kayong lahat.", paalala ni Mr. Galvez , na isang Kingpin.

"Opo, nasa pwesto na po lahat.", sagot naman ng isa niyang tauhan.

"Boss, nasa gate na sila. Pinapasok na po namin.", radyo naman ng isang tauhan sa may gate ng mansyon.

"Sige. Ihanda niyo na hapagkainan, kelangan maramdaman nilang welcome sila rito.", paalala ulit ng Kingpin.


Dumating ang inaantay nilang cliente na may 3 'pang kasamang kalalakihan na may dalang briefcase. Nagkita sila sa sala ng mansyon, masaya niya silang binati...

EL KAPITANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon