CHAPTER 12: GUARDIAN

12 0 0
                                        


Agad na nakarating si Natasha sa Munting Pag-Asa. Bago bumaba ng sasakyan, kinuha niya ang baril (pistol) na nakatago sa driver's seat.


Itinago niya sa ilalim ng damit ang pistol sa kanyang likuran habang nasa labas pa ng bahay.


Hindi na siya kumatok sa pintuan at tahimik na lang na pumasok. Agad niyang hinawakan ang baril sa kanyang likuran.


Ilang sandali pa...


"Nat?", tawag ni Antonio. Pababa siya ng hagdan ng makita niya si Natasha.


Bigla namang binitawan ni Natasha ang pagkakahawak sa baril at umastang walang nangyari.


"Anong nangyari?", agad na tanong ni Natasha.


"Nangyari? Ahm... galing ako sa itaas, may sinat si 'Nay Josie. Medyo masama rin raw ang kanyang pakiramdam.", sagot ni Antonio habang pababa ng hagdan.


"Kailan pa?"


"Kanina lamang. Pansin 'ko kasing matamlay siya pagkagising pa lamang. Medyo mainit siya nang aking hawakan.", kwento ni Antonio.


"Kaya mo ba pinindot 'yung binigay ko sa'yo?", tanong ni Natasha.


"Pinindot?", taka ni Antonio at agad na kinuha ang buton sa kanyang bulsa. Nakita nilang nakailaw ito.


"So, napindot lang ba?", seryosong tanong niya pa kay Antonio.


Hindi agad masagot ni Antonio si Natasha dahil hindi rin siya sigurado kung paano ito napindot.


"Ate Naaaattt!", sigaw naman ng ilang paslit nang makita si Natasha. Tumakbo sila kay Antonio at niyakap ang bewang niya. Roon, kinapa ng paslit ang bulsa ni Antonio.


"Ayy.. wala na?", taka ng bata.


Biglang nagka-ideya sila Natasha at Antonio kung bakit.


"Ahh.. kaya naman pala.", taas kilay ni Natasha.

Napakamot na lang ng ulo si Antonio, "Pasensya na. Hindi ko napansing napindot na pala nila ito sa aking bulsa.".


"Laro na tayo, kuyaaa..", aya naman ng paslit kay Antonio.

"Sige, susunod ako sa inyo.", sagot niya naman sa bata.


"Taya!", sigaw naman ng isa pang paslit na naglalaro. Roon, tumakbo na paalis ang mga bata habang nagtatawanan.


Nakatingin lang si Natasha kay Antonio.


EL KAPITANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon