(Previously)
Narating na nila ang apartment at malugod silang pinapasok ni Michelle sa loob. Nadatnan nilang gising na rin ang iba pa niyang kasama.
"Oh, good morning."
"May bisita pala tayo."
"Good morning po.", bati sa kanila ng kasama ni Michelle sa apartment.
"Guys, sila pala 'yung mga kasama ko dati sa Pinas.", pakilala na sa kanila ni Michelle. "Mga SURPRISE guests natin.".
Naging maayos naman ang lahat at naging busy na ang mga kasama ni Michelle sa apartment para mag-ayos. Nagtipon-tipon sila sa salas para mag-usap.
"Ano nang balita?", umpisa ni Michelle. "Ano 'bang maitutulong ko sa inyo?".
"Hindi naman siguro tayo rinig sa kabilang pader di'ba?", tanong naman ni Natasha habang nakatingin sa paligid.
Napasandal sa sofa si Michelle at nag-crossed arms, "Hindi naman. Nagkalat ang CCTV dito sa Singapore pero safe naman tayo sa mga household.".
"Okay. First--", paumpisa na sana ni Natasha nang may biglang malakas na kumatok sa labas ng apartment.
Napatingin lahat sa may pintuan at kanya-kanya nang hawak sa nakatagong baril sina Natasha, Stephanie, Lawrence at Benjamin.
Kinabahan ng malala si Michelle sa paghawak ng baril ng mga kasama, "Ohh... oh.. oh! Teka! Ano 'yan??! KUMALMA kayo!".
Roon, nagpatuloy lang ang malalakas na pagkatok sa pintuan. Nagsipunta na rin sa may front door ang mga kasama ni Michelle sa apartment sa narinig.
"Sino ba 'yun?!", tanong ng isa.
"Baka masira niya 'yung pintuan natin ha?!"
Napalunok na lang si Antonio sa mga nagaganap...
____________________________________
"TEKAA!", sigaw na ni Michelle at tumayo na siya para buksan ang pintuan.
Bumungad sa kanya si Leo at ang ilang ALLIANCE ASSAULT TEAM sa likuran. Nang makita ng mga kasama ni Michelle sa apartment sina Leo, bumalik na rin sila sa kanya-kanyang ginagawa.
"Oh! Kasama ka pala?", kunwaring gulat ni Michelle.
Napangiti naman si Leo, "Oo naman! Kamusta?"
"Ayos lang naman... kanina.", sabay eye-rolling ni Michelle.
"Kanina? Bakit?", salubong na kilay ni Leo.
"Wala! Pumasok na kayo.", pilit na paanyaya sa kanila ni Michelle.
Sa pagpasok, natanaw agad ni Leo ang team. Lalong lalo na si Antonio. Agad namang tumabi sa team ang grupo ni Leo, tumayo siya sa likuran nila Natasha at Antonio. Naupo na muli si Michelle sa salas.
BINABASA MO ANG
EL KAPITAN
ActionA story of hope, second chances, loyalty, perseverance and love. Written based on brief historical and current day events. A man from the past, veteran, patriot wakes up to the modern day era to live his second life only to realize that he lost ever...