CHAPTER 43: A LONG-LOST SISTER

5 1 0
                                        

(Previously)


Pagkatapos, sabay-sabay na silang apat na pumunta sa Conference Room. Naabutan nilang abala si Director sa ilang mga papeles at naupo na sila sa gilid niya.


"Busy?", tanong ni Natasha.

"Shhh...", birong sitsit naman ni Stephanie.


Tumigil bigla si Director sa ginagawa at tumingin sa mga kasama.

"Malapit na 'yung auction sa Singapore. Ano nang plano niyo?", umpisa na ni Director.


Nakangiting nagtaas ng kamay si Staphanie, "Sasama ako sa SG.".

"Mamamasyal ka lang eh.", birong hinala naman ni Director. "Nat.".


"A team should be in Singapore days prior to the event. We need to have a backup plan if something breaks out.", suhestyon ni Natasha.


"Hmm... Ikaw, kinikilala ka ng mga Secret Society na isa sa mga ELITES di'ba?", turo naman ni Director kay Natasha. "May mga kilala ka ba na dadalo sa auction?".

"Wala pa. Wala pa 'kong nakakausap."


"Secret Society? ELITES?", taka ni Antonio at napatingin naman sa kanya lahat.

"Oo, Tonio. Mas maganda siguro kung si Natasha na ang magpapaliwanag sa'yo nyan", ngiti ni Director Vic.


"Oo nga pala, maalala ko lang. Kilala niyo pa ba si Teteng?".

"Teteng?", tanong naman ni Natasha habang nakakunot ang noo.


"Pamilyar. Anong pangalan?", tanong rin ni Stephanie.


"Si Teteng... Michelle Cheung. Si agent Teng!", paalala ni Director. "'Yung nurse na dati 'ring taga Intelligence Department. 'Yung ayaw sa field kasi takot sa mga operations."


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Ohh... now I remember.", ngisi ni Natasha.

"Oo... siya nga 'yun. Sayang siya, marunong pa naman 'yun.", tanto naman ni Stephanie.


"Si Auntie-yah!", sabay na sabi nila Natasha at Stephanie.


EL KAPITANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon