CHAPTER 1

432 3 0
                                    

Catherine's POV

Hi I'm Catherine Dizon. 16 years old. Fourth year highschool.

Nandito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa canteen ng school namin. Nagkwekwentuhan lang kami, ulit ulit nga lang pinagsasabi namin. Pero basta mga kaibigan mo ang kasama mo ok lang.

"Cath si Randrei oh. Tinitignan ka" sabi ni Ann. Kaibigan ko, ang pinaka palatawa sa amin. Tinignan ko naman yung tinuturo niya. Si Randrei nga, kaklase namin nung 3rd year.

"Ay hindi man ako yung tinitignan eh. Hindi man ata tayo nakita"

"Nakakamiss din pala si Randrei no. Bat kasi di niya inayos pag aaral niya edi sana kaklase pa natin siya" si Micah, siya naman yung second honor namin.

"Ganyan talaga. Tara na oras na. Baka malate pa tayo."

Umalis na kami sa canteen. Yung pinag uusapan namin kanina si Randrei Cruz. Binubusit siya sa akin ewan ko ba sa kanila. Porke close ba ang dalawang tao may crush agad? Hay mga tao nga naman no?

Pagkatapos ng klase namin nakita namin si Vince. Vince Rivera. Bestfriend ko.

"Cathcath uwi na kayo? Sabay ka na sa akin. Naka motor ako"

"Ah osige. Wag mo pakabilis mag drive ha"

"Oo sige. Tara na" Ginulo niya muna ang buhok ko bago kami tuluyang umalis. Ganyan siya palagi. Siya lang din tumatawag ng Cathcath sa akin.

Haay salamat makakauwi na din ako. Buti nalang walang assignment at quiz bukas. Whohohoho.

HIS&HER ONE SIDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon