Chapter 36

61 1 0
                                    

Catherine's POV

Nandito ako sa playground. Magkaiba ang park dito at playground. Sa park kasi gaganapin yung surprise. Mamaya nalang ako babalik doon. Kailangan kong suportahan ang dalawa kong kaibigan.

Pinapanuod ko lang ang mga bata na naglalaro dito. Sa katabing upuan ko may mga magbabarkada. Alam kong masamang makinig sa usapan ng iba pero mukhang interesting kaya makikinig muna ako.

Girl1: hoy alam niyo ang saya kayang magkaroon ng boy bestfriend.
Girl2: hindi din. Tapos iiwan ka lang.
Girl1: hindi lahat ng bestfriend nang iiwan.
Girl2: hindi din lahat ng bestfriend nagistay.

Natawa ako sa usapan nila pero hindi ko pinahalata baka ano isipin ng mga tao dito.

Girl1: maganda kaya. Kasi may magtatanggol sayo, may poprotekta sayo tapos 2in1 pa. May bestfriend ka na may feeling boyfriend ka pa.

Tinignan ko si Girl2 nakatulala lang siya.

Girl2: ganyan din siya dati eh. Kaya lang ewan ko bakit niya ako iniwan.
Girl3: hay nako girl. Baka may dahilan naman siya. O kaya naman may nagawa kang hindi niya gusto kaya ganon.
Girl2: hayaan na natin yon. Past is past. Atsaka tignan niyo yung isa diyan. Namomoblema.
Girl1: namomoblema nga ba o nasasaktan?
Girl4: nasasaktan. (Si Girl4 siya tinutukoy ni Girl2.) Ikaw ba naman, kaibigan ang turing mo sakanya. Pero siya hindi ka niya kayang pahalagahan. Ginagawa ko naman lahat ha. Ako na nga nanliligaw sa taong mahal niya para sakanya pero wala pa din eh.

Ok nakakarelate ako sakanya.

Girl4: pero malay natin balang araw ma appreciate niya din ako diba. Sabi nga ng Nike "Never give up"

Napangiti ako sa sinabi niya. Nagulat ako ng biglang may nagtext. Pinapapunta na ako ni Randrei sa park.

This is it. Basta accept ang mga posibleng mangyari. At never give up.

---------------------------------------------------------

Nang makarating ako sa park ready na ang lahat. Medyo madilim na pero hindi super dilim. Hapon palang kasi. So yung kulay parang maorange orange na yellow. Sunset. Mas maganda daw kasi kapag ganitong time sabi ni Randrei mas romantic.

Nakita ko si Randrei kasama niya na si Lovely. Ang ganda at ang gwapo nilang dalawa. Bagay din sila. Pumunta sila sa gitna si Lovely mukhang shock. Ako? Edi magtago sa gilid. Hindi ko alam kung ano ang purpose ni Randrei kung bakit pinapunta niya pa ako dito.

Tumugtog ang God gave me you. Niyaya ni Randrei si Lovely na sumayaw. Yung nababasa ko sa wattpad ganito din tapos after nito masaya silang lahat. Sana maging ganun din ito. Ang saya nilang sumasayaw. Pagkatapos nilang sumayaw umupo na sila. Ang gentleman pa nga ni Randrei eh. Binuksan niya yung mga plato nakalagay na agad doon yung mga favorite ni Lovely. Simple lang naman hindi ganon kabongga. Kumain lang sila. Ang saya nilang dalawa. Siguro bibigyan ko muna sila ng privacy. Tatayo na sana ako sa tinataguan ko ng marinig kong magsalita si Randrei

"Lovely. 1 month na tayong magkasama. Sa one month na yon sobrang ang dami nating nagawang memories. Sobra ako nag enjoy. Thank you."

"Ako din nag enjoy ako. Thank you din."

"Sana madagdagan pa yung one month nating magkasama. Sana marami pa tayong magawang memories. Sana maging masaya tayong dalawa. Lovely can you be my girl?"

Nagulat si Lovely. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya. Hindi ko mabasa ang sinasabi ng mga mata niya. Ako naman kinakabahan.

"Randrei sa one month nating magkasama, napatunayan ko na mabuti kang lalaki. Napatunayan ko na tama ang mga sinasabi ni Cath tungkol sayo. Yung gagawin mo lahat para mapasaya ako. Nakita ko kung gaano mo ako kamahal. Mahal naman kita eh." Ngumiti si Randrei pero ako eto tahimik lang sa gilid. Nagsalita si Lovely.

"Mahal kita kasi kaibigan kita. Yun lang. Sorry kung umasa ka. Sorry kung hindi ko kayang suklian ang nararamdaman mo para sa akin. Randrei wag nalang ako. Marami pang babae diyan na deserve ka at deserve mo. Pahalagahan mo lang ang mga tao sa paligid mo makikita mo ang babaeng tinutukoy ko. Sorry Randrei. I hope you understand. Im sorry. I need to go." Tumayo si Lovely.

"Naiintindihan ko. Maraming salamat sa panahon na napasaya mo ako. Mag iingat ka." Umalis na si Lovely.

Naiwan si Randrei na umiiyak. Lalapitan ko ba siya? Icocomfort ko ba siya? Masaya ba ako sa nangyari?

-----

Itutuloy...

HIS&HER ONE SIDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon