Randrei's POV
Nakilala ko siya nung high school kami, sobrang masayahin siya at ang bait pa niya. Nainggit ako sa kanya at sa mga taong nakapaligid sakanya kaya pinilit kong mapalapit sa kanya. Doon ko talaga narealize na mabuti siyang tao kaya lang tinake advantage ko siya.
Nagmahal ako ng taong hindi kayang suklian ang nararamdaman ko kaya nabulag ako, nabulag ako dahil sa pag ibig. Wala na akong ibang hinangad kung hindi ang mahalin din ako ng taong yon. Hangga sa nakuha ko ng sumira ng relasyon ng iba, gumamit ng taong walang hinangad kung hindi pasayahin ang mga kaibigan niya. Ginawa niya lahat para sa akin pero hindi pa din ako kayang mahalin nung taong mahal ko. Kaya lalo akong nabwisit. Lalo kong naisip na manakit, lalo kong naisip na saktan siya, si Catherine.
Sabi ko dati, eh ano naman kung masaktan siya, eh ano kung iwan niya ako, wala naman siyang halaga sa buhay ko. Pero nagkamali ako eh, yung bawat araw na naiisip ko na walang CATHERINE sa buhay KO, ang hirap pala. Ilang beses kong tinangkang kausapin siya kaya lang ang sabi niya non kalimutan na daw namin ang isa't isa para hindi na siya mahirapan. Kaya yon hinayaan ko nalang muna siya.
Isang araw nagset ako ng reunion namin at dahil don muli kaming nagkita, lalo siyang gumanda at napansin ko din na masaya na siya. Natakot ako na kausapin siya, natatakot kasi ako baka masaktan ko ulit siya. At sa nth time hindi ko siya nagawang kausapin. Pero siguro si destiny gusto niya talaga kaming mag usap kaya kinabukasan pinagtagpo niya kami sa park. At sobrang saya ko dahil for how many years nakapagsorry ako sakanya at naging ok kami.
Mahal pa kaya niya ako katulad ng dati? O dahil naging masama ako sakanya dati kaya ibinabalik sa akin ang ginawa ko sakanya noon? Pinilit kong pigilan pero hindi ko kaya eh.
Mahal ko siya. Oo mahal ko si Catherine, kaya niya pa kaya akong mahalin ulit? O hahayaan ko nalang matapos ang kwentong ito sa one sided love ko para sakanya?
-----------
Thank you po sa lahat ng bumasa nito. Alam ko po na hindi pa ako ganon kagaling magsulat, but still sinuportahan niyo ako. Thank you po.