Chapter 5

113 1 0
                                    

Catherine's POV

To: Vvvince

"Busy ka ba? Kung hindi. Punta ka ng park mamayang 5pm. Hintayin kita. :) "

*message sent*

Kanina pa akong 3 nandito sa park. Wala na kasi kaming pasok kaya nagdecide ako na hintayin nalang si Vince dito. 5:15 na pero wala pa siya. Baka hindi pa niya nababasa ang text ko. Chineck ko ang phone ko kung nagtext siya pero wala. Pagka angat ko ng ulo ko nakita ko si Vince sa harap ko.

"Nandito ka na pala." Ngumiti ako at lumapit sa kanya. "Kamusta ka na? Ang tagal mong di nagparamdam. Haha. Kayo na ba ni Kate?"

"Ok lang ako. Bakit kailangan mo pang malaman ang tungkol sa amin?" Nagulat ako sa sinabi niya.

"Ka-kasi diba bestfriend tayo. Sabi mo walang secrets." Nauutal na ako dahil sa sakit na naramdaman ko sa sinabi niya.

"Tinuring mo talaga akong bestfriend? Sa tingin mo kaya kitang ituring na bestfriend?" Pinipigilan kong huwag maiyak. Ano ba talaga ang pinopoint niya?

"Oo naman. Tinuring kitang bestfriend pati kapatid. Ano bang pinagsasabi mo Vince? Tinanong ko lang naman kung kayo na ni Kate."

"Oo kami na. Masaya ka na? Ayaw ko talagang ipaalam sayo eh. Kasi baka kumbinsihin mo si Kate na gayahin ang ginawa mo sa akin dati kasi gusto mo sayo lang umiikot ang mundo ko." Pilit kong pinipigilan ang luha ko pero wala e tumulo na.

"Hindi ganon ang gusto ko Vince. Nagkakamali ka. Sorry, sorry kung nasaktan kita noon pero Vince totoong tinuring kitang bestfriend. Vince kalimutan na natin yung nakaraan." Umiiyak na ako sa harap niya

"Cath hindi ganon kadaling gawin yon. Hindi ko agad makakalimutan yung mga nangyari noon."

(FLASHBACK)

Nandito ako sa park, wala kasing magawa sa bahay eh.

"Cath?" Pag angat ng ulo ko nakita ko si Vince. "Anong ginagawa mo dito?"

"Wala. Tambay lang. Nakakatamad sa bahay eh."

"Oo nga. Pinagkita ata tayo ni destiny ha. Ay teka pagkakanta nalang kita." Nilabas niya ang gitara niya at nagsimula ng mag strum. Your song ang tinutugtog niya. Ang ganda pala ng boses niya. Nung nasa chorus na bigla siyang tumingin sa akin.

"I take one step away, but I find myself coming back to you. My one and only. One and only you." Huminto siya sa pag kanta at ngumiti sa akin

"Ang ganda pala ng boses mo. Bat di ka sumali dun sa music club?" Tanong ko sakanya

"Nahihiya kasi ako. Atsaka gusto ko magkakanta lang ako sa harap ng taong mahal ko."

"Ahh sayang naman. Dapat madiscover ka. Pero ang swerte nung taong mahal mo kung ganyan kaganda ang boses ng magkakanta sa harap niya" Tumingin ako sa mga bata dito sa park.

"Oo ang swerte mo." Naguluhan ako sa sinabi niya kaya tinignan ko siya.

"Ano? Hindi ko nagets."

"Ang swerte mo. Kasi ikaw ang taong mahal ko. Cath hayaan mo kong ligawan ka. Matagal ko ng gustong sabihin kaya lang alam ko na hindi ako yung gusto mo kaya pinilit kong lumayo pero hindi ko kaya eh. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob na sabihin sayo to."

"Hmm Vince, di kasi pwedi eh. Hindi dahil may gusto akong iba. Kasi ano. Hmm. May gusto sayo yung kaibigan ko. Sorry Vince." Nakita ko na lumungkot siya. Pero mas ok na na sabihin ko habang maaga. Ayoko naman kasi na umasa siya.

"Ah ganon ba? Hindi nakisama si destiny sa atin."

"Wag ka sanang magalit. Sana maintindihan mo ako. Pero pwedi naman tayong maging friends eh."

"Hindi ako galit sayo. Di ko naman kayang magalit sayo. Pero pwedi bang huwag friends?" Ano? Ayaw niyang friends kami? Tinignan ko siya ng nagtataka. "Ayaw kitang maging friend. Pwedi bang best friend?" Ahhh yun pala yon

"Ah oo naman. Kinabahan ako don. Akala ko ayaw mo na akong maging friend eh."

"So bestfriend na kita ha? At dahil bestfriend na kita Cathcath na tawag ko sayo. Ako lang tatawag non sayo ha. Please" nag pout pa siya. Natawa tuloy ako sakanya.

"Oo naman sige , bestfriend."

"Yehey! Thank you bestfriend Cathcath!" Tumayo siya at niyakap ako. Niyakap ko din siya.

Masaya ako kasi kahit na hindi ko tinanggap ang gusto niyang mangyari naging masaya kami. Nagkaroon pa ako ng bestfriend at ganon din si Vince.

(End of Flashback)

Simula nung araw na yon naging masaya kaming dalawa. Akala ko ok lahat, hindi ko alam na may tinatagong hinanakit si Vince sa akin.

"Sorry Vince. " ayaw tumigil sa pagpatak ang luha ko. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit di ko napansin yon? Naaawa ako kay Vince. "Vince. Sorry. Hi-hindi ko naman gusto na saktan ka."

"Nasaktan na ako Cath! Wala ka ng magagawa. Kaya nung sinagot ako ni Kate sobrang saya ko. Kasi sa wakas may nagmahal din sa akin. Hindi yung pinaasa lang ako. Cath siguro mas maganda kung kalimutan na natin yung bestfriend. Please." Nagulat ako sa sinabi niya pero mas nagulat ako kasi may luhang tumulo sa mata niya. Ganon ba niya kagusto na kalimutan ang bestfriend.

"Vince wag naman ganito oh. Hindi ganon kadaling kalimutan ang mga bagay na mahalaga sa buhay mo. Siguro galit ka lang kaya mo nasasabi yan"

"Cath isang linggo akong di nagparamdam sayo diba? Sa isang linggo na yon pinag isipan ko kung ano ang mas magandang gawin. Kalimutan na natin ang isa't isa. Kalimutan mo na ako gaya ng ginawa ko sayo. Oo Cath, kinalimutan na kita, at kakalimutan ko din lahat ng ginawa mo sa akin. Please Cath" hinawakan niya ko sa balikat. "Cath wala ng bestfriend. Kung di mo ako kakalimutan at ang bestfriend ikaw lang ang masasaktan." Sinabi niya yon ng nakatingin sa mata ko.

Pinunasan ko ang luha ko. "Diyan ka ba masaya?" Tumango siya. "Sige kakalimutan ko na lahat. Susubukan ko. Pipilitin ko." Inalis niya ang kamay niya sa balikat ko. "Ah Vince yung panyo mo pala eto." Inabot ko sakanya pero tinignan niya lang.

"Sa tingin ko mas kailangan mo yan. Thank you Cath. Goodbye." Pagkatapos niyang sinabi yon umalis na siya.

Sabi nila letting go is not the end of the world rather it's the beggining of new life. Siguro kailangan ko na ngang i let go ang bestfriend hindi lang para sakanya para na din sa sarili ko.

Simula bukas gigising ako ng walang text ni Vince. Papasok ako ng hindi sinusundo ni Vince. Maglalunch ako ng hindi sinasabi ni Vince. Matutulog ako ng walang good night galing kay Vince. At mabubuhay ako ng walang Vince. Kaya ko to. Hwaiting!!

HIS&HER ONE SIDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon