Chapter 14

72 1 0
                                    

Randrei's POV

Balak kong ligawan si Lovely pero magagawa ko lang yon sa tulong ni Cathy. Ang tagal naman niya kanina ko pa siya hinihintay dito sa park.

"Randrei!" Tinignan ko kung sino ang tumawag sa akin, at hindi mali ang iniisip ko.

"Lovely anong ginagawa mo dito?" Umupo siya sa tabi ko atsaka yumuko. "Ok ka lang ba?" Tinignan niya ako.

"Ahh oo. Sanay na ako eh."

"Ha?"

"Ang sakit pala no. Na ikaw yung palaging nandiyan para sakanya pero ni minsan hindi ka niya na appreciate. Ang mahirap pa don nafall ka sakanya. Kasi yung pinakita at pinaparamdam niya sayo iba sa tunay niyang nararamdaman." Tinignan niya ako at ngumiti. Ang ganda niya talaga. "Sabi niya lagi daw akong mag smile, kasi daw baka may mainlove sakin dahil sa smile ko. Kaya ginawa ko lagi akong nakangiti sa harap niya. Kahit minsan yung mga kinukwento niya o kaya yung mga sinasabi niya sa akin ay ang sakit sakit na. Sabi niya manhid daw ata ako kasi lagi akong nakangiti sakanya. Hindi niya alam nagbabakasakali ako na mafall siya sa akin. At hindi ako manhid kasi sobra na akong nasasaktan hindi ko lang pinapakita sa kanya. Para saan pa? Eh wala naman yun pakialam sa akin." Pinunasan niya ang luha niya. "Sorry Randrei ha kung sayo ko to sinasabi. Wala na kasi akong ibang pweding pagsabihan eh. Sobra na kasi akong nasasaktan."

"Ok lang. Basta kapag may problema ka lapitan mo lang ako. Tutulungan kita."

"Salamat ha. Pwedi bang payakap?" Inispread ko nalang ang kamay ko, sign na ok lang.

Kayakap ko ngayon si Lovely. Sobrang saya ko.

Catherine's POV

Habang naglalakaad ako dito sa park nakita ko si Lovely. Kaya ayon sinundan ko siya. Nagulat ako nung tinawag niya ang pangalan ni Randrei. Sinundan ko ng tingin ang tinitignan niya si Randrei nga. Sa totoo lang kaya ako nandito kasi daw mag uusap kami. Umupo si Lovely sa tabi niya. Mukhang may problema siya. Umupo ako sa isang bench na hindi kalayuan sakanila. Hindi ko marinig ang pinag uusapan nila pero makikita mo si Lovely na sobrang lungkot pagkatapos si Randrei halata mo yung concern sa mga mata niya. Yung tingin niya kay Lovely halatang concern. Tingin na never pa niyang pinakita sa akin. Hanggang sa umiyak si Lovely si Randrei pinapatahan siya. Nagsmile si Lovely kaya pati si Randrei napasmile. Pero biglang umiyak ulit si Lovely. Nakita ko na pinunasan niya na ang luha niya at may sinabi siya kay Randrei na naging dahilan para ngumiti ng todo si Randrei. Maya maya nakita ko na nagyakapan sila.

Tumingin ako sa langit kasi akala ko umaambon yun pala luha lang. Luha na galing mismo sa sarili kong mata. Bakit ako umiiyak? Hindi naman dapat ako nasasaktan eh.

Tinignan ko ulit sila, pero wala na sila sa kanina nilang inuupuan. Pumunta ako kung saan sila nakaupo kanina at nakita ko sila sa di kalayuan na naglalakad. Si Randrei nakaakbay kay Lovely at ang saya saya niya.

Bakit ba ako pinapunta ni Randrei dito? Para makita ko lahat ng yon? Para iparamdam at ipakita niya sa akin na may mahal siyang iba at hindi ako yon?

Siguro hihintayin ko nalang siya. Baka kasi maaalala niya ako at bumalik siya dito para sa akin.

-----------------------------------------------------------

7:30 Pm . Oo kanina pa ako dito, nagbabakasakali na bumalik siya. Nagbabakasakali na maalala niya na nandito ako, naghihintay sakanya. May luha nanamang tumulo, Randrei sana man lang tinext mo ko. Sana sinabi mo na umalis ka, wag na kitang hintayin kasi hindi ka naman babalik. Sana sinabi mo para hindi na ako naghintay. Para hindi na ako umasa. Para hindi na ako nasaktan.

Ano ba talagang gusto mong mangyari ha Randrei?

---
Vote and comment. Salamat :)

HIS&HER ONE SIDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon