Lovely's POV
Kinausap ako ni Cath tungkol sa amin ni Randrei. Oo umalis ako pagkatapos pero lumingon muna ako sakanya at nakita ko na umiyak siya. Ang bait talaga ni Cath kahit nasasaktan siya ok lang. Basta maging masaya ang taong mahal niya. One month? Sige pagbibigyan ko siya. Pero alam ko naman na hindi magiging kami.
"Lovely." Tinignan ko kung sino ang tumawag sa akin.
"Vince?"
"Hi. Nakita mo ba si Cath?"
"Alam mo Vince hindi kita maintindihan eh. Iniwan at sinaktan mo si Cath pero lagi mo siyang tinitignan at hinahanap. Akala mo ba hindi ko napansin yon."
"Wag mo nalang isipin yon. Nakita mo ba?"
"Oo. Kaya lang mukhang ayaw niyang makita siya ng ibang tao ngayon. Mamaya mo nalang siya ulit hanapin ha." Naguluhan ata siya.
"Vince!" Tinignan namin ang tumawag sakanya. Si Kate pala. "Kanina pa kita hinahanap eh. Tara na?" Tumango lang si Vince. At nagpaalam sa akin.
Parang kailan lang nung si Cath ang laging kasama ni Vince. Parang kailan lang nung ok sila, ang sweet nila at ang cute nilang tignan. Ngayon iba na ang lahat. Si Vince masaya sa piling ni Kate habang si Cath masaya pero nasasaktan sa piling ni Randrei.
Alam ko na gusto lang naman ni Cath na maging masaya ang mga taong mahalaga sakanya. Balang araw sasaya din si Cath. Pero ang gusto ko maging masaya si Cath ngayon lalo na birthday niya sa Friday. Kailangan kong kausapin sina Ann at Micah.
![](https://img.wattpad.com/cover/33104284-288-k976076.jpg)