Chapter 19

60 2 0
                                    

Catherine's POV

Kinabukasan pumunta ako kina Randrei.

"Tao po."

"Oh ikaw pala Cath. Pasok ka." Manang.

"Nandiyan po ba si Ate Rachelle?"

"Ah oo. Pasok ka kausap niya si Randrei sa loob."

Pumasok ako at nakita ko nga si Ate Rachelle kausap si Randrei.

"Cathy anong ginagawa mo dito?" So hindi talaga siya galit sa akin no? Ayaw niya lang yung ginawa ko kahapon.

"Pinapunta ko siya. Bakit?" Ate Rachelle.

"Bakit nanaman? Ikaw ate nasanay ka na na sinasama mo lagi si Cathy."

"Bakit selos ka? Edi ligawan mo." Natulala kaming dalawa ni Randrei sa sinabi ni Ate Rachelle.

"Ay ang slow niyong dalawa. Catherine halika na." Ha? "Magkukwentuhan tayo dun sa kwarto ko. Marami kasing tsismoso diyan sa tabi tabi." Natawa ako sa sinabi niya at tinignan ko si Randrei. Nakabusangot siya.

"Hey little bro smile ka diyan. Iwan ka na muna namin ha." Pumasok na kami sa kwarto niya. Kulay pink tapos may family picture sila. Simula bata sila hangga ngayon. Kumbaga evolution. Ang cute ni Randrei.

"Kamusta na kayo?"

"Ate naman eh. May ibang gusto kapatid mo kaya hindi ko siya mapipilit na magmahal ng iba lalo na kung ako yon."

"Alam mo lagi kang kinukwento ni Randrei sa amin eh. Tapos ang saya saya niya kapag kinukwento ka niya. Sa tingin ko gusto ka din niya kaya lang naguguluhan lang siya."

"Wag mo naman akong paasahin ate. Masakit eh. Alam naman natin na si Lovely mahal niya. Hayaan nalang natin siya. Kapag nasaktan siya tulungan nalang natin siya."

"Sige na nga pero Catherine wag kang titigil na mahalin siya ha. I mean kung sobra ka ng nasasaktan sakanya tigil ka na pero hanggat kaya mo please mahalin mo kapatid ko."

"I will." Nagsmile ako sakanya. Ng biglang may kumatok.

"Ate. Pahiram muna kay Cathy ha. May pag uusapan pa kami eh." Randrei.

"Sige. Basta ingatan mo siya."

"Oo naman. Di ko naman hahayaang masaktan si Cathy eh." Tinignan ako ni Ate Rachelle kaya ngumiti nalang ako sakanya.

"Sana nga. Sige na alis na."

Lumabas kami ng kwarto ni Ate Rachelle. Sana nga Randrei hindi mo hahayaang masaktan ako. Pero ayokong umasa dahil alam kong masasaktan lang ako.

----

Thank you. :)

HIS&HER ONE SIDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon