Catherine's POV
Kinakabahan ako. Magtetest na kami. Nakaschedule na subject ngayon ay filipino,math at values education. Ok lang naman sila eh pwera math. Hinihintay nalang namin ang adviser namin, siya kasi ang magpapatest sa amin.
"Pst Cath. Ok ka lang?" Lumilipad nanaman kasi utak ko.
"Hoy Ann magreview ka na nga lang. Wag mong istorbuhin yan." Micah. Ngumiti ako sakanila.
"Kapag ako pumasa who you sila sa akin."
"Kaya mo?" Ann. Natahimik ako sa tanong niya.
"Oo naman. Sana." Ngumiti ulit ko.
"Good morning class. So let us pray." Tumayo kami para magdasal.
"God bless class. I know naman na kaya niyo yan."
Sana nga po kaya namin to. Lalo na ang math. Huhu. Pero alam ko na kaya namin to. Pinamigay na ang test paper namin. Here we go!
----------------------------------------------------------
Pagkatapos ng exam namin lumabas kami ng room nina Ann at Micah.
"Calling all the seniors. Please go to the gymnasium now. Thank you."
"Uwi na ako. Balitaan niyo nalang ako. Please."
"Cath paano kung may attendance? O kaya may plus sa grade yung pupunta don? Sayang yon" Micah
"Nandun sila eh. Para kasing hindi pa ako handa. Pag nagsama sama kami don ano nalang mangyayari diba?"
"Hayaan mo sila Cath. Basta ikaw nandun ka. Wag mo na silang isipin." Ann
"Oo na. Tara na." Bago kami pumunta ng gymnasium bumili muna kami ng maiinom.
"Good morning class."
"Good morning sir."
"So kaya ko kayo pinatawag ay para pag usapan ang final exam niyo sa p.e" isa lang ang teacher naming mga seniors sa p.e at syempre pareho lang kami ng pinag aaralan.
"Magkakaroon tayo ng dance battle. Hindi to per class. By group siya consist of different sections. Ginroup ko na kayo at sinigurado ko na gusto niyo ang mga kagroup niyo. Next week na to" Nag ingay na kami. Exciting to.
"First group. Angela, arjay, bryan, shane, bernie, ram and paul" mix talaga siya. At gusto nga nila mga kagroup nila kasi magkakaclose silang lahat.
"Second group. Precious, danita, nadine, alysa, ryan, john and izacar." Whoa ang daming dancer sa kanila.
"Third group. Lovely, catherine, ann, micah. Wait ha di ko maintindihan sulat ko." Natawa kami kay sir. Pinakatignan niya ang nakasulat.
"Oh game. Third group pa din to ha. Kate, Vince and Randrei." Hindi ko na pinakinggan ang pangalan ng ibang group. Hindi ako makapaniwala sa mga kagroup namin. Wow lang.
"Sino daw?" Tanong ko baka nagkamali lang ako ng dinig diba.
"Kate, vince at randrei" Ann.
"Joke to diba?"
"Cath alam natin ang totoo. Ok ka lang? Papalit natin kay sir." Micah
"Hindi wag na. Ok lang no. Marunong naman silang sumayaw kaya ok lang. Tara puntahan na natin ang mga kagroup natin." Pinuntahan namin sila. Awkward si Lovely at Randrei.
"Hi guys." Kate. Nag hi kaming tatlo sakanya.
"So ano ng gagawin natin? Next week na to." Micah
"We will work as a group ha guys." Kate
"Ngayon magmimeeting tayo about sa first practice natin. Pero we need to practice after na ng mga written exams natin. Hanggang wednesday morning lang yon. So afternoon ok lang magpractice tayo?" Lovely. Nag ok kaming lahat
"Saan tayo magpapractice?" Ann
"Hmm kahit saan ok ako." Randrei.
"Hahanap na ako ng music." Vince.
"Sige sige. Ikaw Cath anong masasabi mo?" Tinignan nila akong lahat, na naging dahilan para mailang ako.
"So sinong may portable speaker sainyo?" Tanong ko sakanila.
"Ako meron" Randrei. Ok awkward to. Huminga ako ng malalim
"Good." Ngumiti ako sakanya. "So may date and time na tayo. May hahanap na din ng music. Kaya Vince?" Tinignan niya ako at tumango.
"At may speaker na din tayo. Wag mong kakalimutan ha Ra-randrei." Tinignan ko siya pero agad ko din tinanggal. Hindi ko kaya. Naiiyak ako. Nasasaktan pa din ako eh.
"Oo naman. Paano ko makakalimutan yon eh alam kong kailangan natin." Ngumiti ako ng peke.
"Yung place. Sa amin nalang." Ako.
"Ok. Thank you guys. Uwi na muna tayo para makapagpahinga tayo at may test pa tayo bukas." Micah. Nagsialisan na sila. Kami nalang ni Randrei ang natira dito.
"Una na ako." Aalis na ako pero pinigilan niya ako.
"Pwedi ba tayong mag usap?"
"Next time nalang. May test pa tayo bukas." Hindi ko na siya hinintay magsalita. Umalis na ako.
"Sabay na tayo." Tinignan ko ang nagsalita. Si Vince. Tumingin ako sa likod ko baka kasi iba kausapa niya. Meron akong nakitang ibang estudyante. Baka hindi ako aalis na nga ako.
"Cath hatid na kita. " cath? Baka kapangalan ko lang.
"Catherine." Hinawakan niya ako sa braso. "Sabay na tayo." Ngumiti ako sakanya.
"Hindi na. Magtatrike nalang ako. Magrereview ka pa." Kagaya ng ginawa ko kay Randrei iniwan ko siya.
Naglakad ako papunta sa sakayan ng tricycle. Pagkasakay ko may tumulong luha. Ang hirap pala no. Yung bawat makita mo sila sakit lang ang nararamdaman mo. Ang hirap magpanggap na kaya mo. Ang hirap magpanggap na masaya ka. Ang hirap magpanggap na ok ka. Kailan ba ako masasanay? Kailan matatapos ang lahat ng to? Ako lang ba ang may kasalanan ng lahat ng to para ako lang ang mahirapan ng ganito? Naging mabait lang naman ako, nagmahal lang ako. Yun ba ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng to?