Chapter 48

54 0 0
                                    

Randrei's POV

Friday ang graduation namin pero required pa kaming pumasok hanggang wednesday. Thursday rest day daw.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko nag aayos para pumasok sa school. Ok lang naman malate checking of clearance lang naman eh.

"Randrei."

"Pasok ka ate."

"Yiee gagraduate na siya." Kiniliti niya ako sa tagiliran. "Anong balak mo niyan? Maghahanda ka o outing nalang tayo?"

"Kayo ng bahala. Basta ako gagraduate ako."

"O basta isama mo si Catherine non ha." Natigilan ako sa sinabi niya. "Tutal parang bestfriend mo na din naman siya. Atsaka alam mo naman na gustong gusto ko yung babaeng yon. Ang bait no?" Hindi ako makasagot.

"Mabait siya diba?" Oo mabait siya ate. Sobra.

"Malay ko." Inayos ko buhok ko.

"Hangga ba naman ngayon Randrei?"

"Ang alin?" Pasimple dapat ako.

"Sa tingin mo alin?"

"Alis na ako ate."

"Kung may problema kayo ayusin mo na. Maggagraduate na kayo oh. Alam mo ikaw din naman ang kawalan eh. Siguro ngayon iisipin niyong dalawa na si Catherine ang kawalan kasi siya ang nahihirapan, siya ang nasasaktan pero Randrei kahit kapatid kita sinasabi ko sayo ikaw ang kawalan ikaw ang mahihirapan pagdating ng araw." Wala akong masagot.

"Napakabait ni Catherine. Nakikita ko sakanya kung paano siya magmahal ng tao. Kung paano niya pahalagahan ang mga tao sa buhay niya. Ewan ko ba naman kasi sayo bat di nalang siya yung pinili mo."

"Ate tama na. Aalis na ako." Kinuha ko na yung bag ko atsaka na ako lumabas ng kwarto ko. Iniwan ko ang madaldal kong ate doon.

Mabait naman talaga si Catherine eh. Kaya lang ako daw ang kawalan? Nagpapatawa ba siya? Ako?

----------------------------------------------------------
Nandito na ako sa school. Hay ibang estudyante nga naman oh sa school lang pupunta nakadress pa. Bakit ganon kaya mga ibang babae.

"Cath." Napatingin ako sa tumawag.

"Bakit?" Nakita ko si Catherine. Cath ang tinawag bakit ako humarap.

"Valedictorian ka daw?" Hindi ko kilala kung sino ang kausap niya eh.

"Ha? Hindi ko alam. Wala pa naman silang sinasabi." Catherine

"Ay osige pero congrats ha."

"Salamat." Ngumiti si Catherine sa kausap niya yun namang babae na kausap niya umalis na. Napatingin si Catherine sa banda sakin. Nakita ata niya na nakatingin ako sakanya. Hindi ko matanggal ang tingin ko sakanya. Ngumiti siya sa akin pero agad din siyang yumuko at umalis.

Naglakad ako papunta sa room namin. Alam na alam na may tao eh malayo ka pa lang dinig na dinig na ang mga boses ng mga kaklase ko.

"Randrei totoo bang si Cath yung valedictorian?" Tanong sa akin nung isa kong kaklase

"Malay ko."

"Diba close kayo dapat alam mo. Dapat nga proud ka sakanya eh." Sabi ng lalaki naming kaklase

"Ang swerte mo nga eh. Kasi kaibigan mo siya. May kaibigan kang mabait na matalino pa." Sabi ng isa pa naming kaklase.

Tinignan ko ang mga kaklase ko, nakita ko si Vince, Kate at Lovely na nakatingin sa akin, kaklase ko nga pala tong mga to. Ngumiti si Kate sa akin. Si Lovely namin tinignan ako pero parang ang lungkot niya. Si Vince? Galit pa din to sa akin alam ko naman yon eh. Iniwas nila ang tingin nila sa akin. Tinignan ni Lovely ang cellphone niya.

"Ui nagtext si Cath nagyayaya siya sa mall mamaya. Treat daw niya. Nareceive niyo text niya?" Tinignan ni Kate at Vince ang mga cellphone nila. Atsaka tumango. Tumalikod ako at chineck ang phone ko may text din galing kay Catherine yun ata yung sinasabi ni Lovely kanina. Itatago ko na sana ang phone ko pero bigla ulit may nagtext.

From: Catherine
"Randrei sama ka ha. Hintayin kita. :) "

Agad kong pinress ang exit at tinago na ang phone ko.

Alam ko na hindi ako ang kawalan. Sorry ate pero mukhang nagkakamali ka.

HIS&HER ONE SIDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon