Christian's POV
Kakauwi ko lang sa bahay pero hindi ko makita si Cath.
"Ma si Cath nasaan?" Tanong ko kay mama habang busy siya doon sa kusina
"Umalis lang sandali. Bakit? Hintayin mo nalang babalik din agad yon."
Umakyat ako sa kwarto niya. Dito muna ko. Ok lang naman sakanya na nagistay ako dito eh. Nakita ko ang picture nila ni Randrei. Masaya pa sila dito. Mukhang nag eenjoy pa si Randrei. Sana hindi nalang niya sinaktan ang kapatid ko. Akala ko siya na eh, siya na ang poprotekta sa kapatid ko pero hindi pa pala. Biglang bumukas ang pinto.
"Cath nandito ka na. Saan ka galing?" Nakita ko na parang namamaga ang mata niya. "Umiyak ka ba?"
"Hindi. Napuyat lang ako kagabi." Ngumiti siya at humiga sa kama niya. "Nakakapagod."
"Ok ka lang ba?"
"Oo naman kuya. Kailan pa ba ako hindi naging ok diba?"
"Magpahinga ka muna. Malapit na niyan dumating si papa." Lumabas ako ng kwarto niya. Alam ko naman na may problema siya eh.
Magpapahinga na rin muna ako para pagdating ni papa may energy pa kaming magbukas ng mga pasalubong namin. Sana maging masaya na ang kapatid ko. Mga iba kasing lalaki walang pakialam kung makasakit sila ng babae. Ang mga babae pinapahalagahan at minamahal hindi sinasaktan.
----------------------------------------------------------
"Papa!" Nagulat ako kung sino ang nilabas ng pinto. Whoa nandito na si papa. Mga 9 pm na siguro.
"Christian ang laki mo na ha. Binata na." Ginulo niya ang buhok ko
"Oa lang? Lagi mo naman akong nakikita ha."
"Mas gwapo ka pala nak sa personal. Mana ka talaga sa akin." Nagtawanan kami sa sinabi ni papa.
"Si Cath?"
"Nasa kwarto niya. Halika puntahan natin" yaya ni mama. Umakyat kaming tatlo sa kwarto niya.
"Cath." Kumatok si mama.
"Cath." Sigaw ulit ni mama
"Po?" Sigaw ni Cath sa loob ng kwarto. Hindi niya alam na nandito na si papa.
"Buksan mo yung pinto." Sigaw ko din sakanya
"Wait lang." Ang tagal naman ni Cath. Maya maya lang biglang bumukas ang pinto at nakarinig na kami ng ingay
"Papa!" Niyakap niya si Papa. Ay mali nagpabuhat siya kay papa. "Nandito ka na papa." Umalis siya sa pagkakayakap ni papa.
"Kanina ka pa?" Umiling si papa.
"Kuya pahiram ng cellphone mo." Inabot ko sakanya. "Groupie." Nag picture picture lang kami.
"Teka lang pala. Yung mga pasalubong ko sainyo konti palang yung nasa akin susunod nalang yung iba ha."
"Pa kahit wala basta nandito ka ok lang." Sabi namin ni Cath. Niyakap kaming dalawa ni mama at papa.
"O kamusta ka na pala Cath?" Tinignan ko si Cath. "Kamusta na kayo nung Randrei na yon?" Ngumiti si Cath.
"Ok lang po ako pa. Sa totoo nga niyan galing ako sakanila kanina."
"Ano?!" Sabay pa kami ni papa.
"Galing ako sakanila kanina. Umuwi din kasi papa niya tapos gusto daw akong makita. O edi pumunta ako. Wala namang problema yon diba? Diba?." With matching taas taas kilay.
"Anong walang problema? Baka nakakalimutan mo ang ginawa sayo nung Randrei na yon." Sigaw ko sakanya.
"Oa mo kuya. Daig mo pa si papa oh. Hindi ko naman nakakalimutan yon pero gusto ko ng makalimutan yon sa bawat oras kasi na naaalala ko nalulungkot lang ako. Kaya kuya, ma, pa hayaan na natin yon. Patawarin niyo na si Randrei. Isipin nalang natin na hindi niya sinasadya yon diba, atsaka bata pa kasi kami kaya niya nagawa yon."
"Ang bait mo no nak." Ginulo ni papa ang buhok ni Cath.
"Mabait na maganda pa. San ka pa." Dagdag ni mama. Tinignan ako ni Cath
"Oo na oo na. Pero subukan niya lang ulitin yon ewan ko nalang."
"Ok ok. Pa may chocolate ako?" Nag pacute pa.
"Meron don hati kayo ni Kuya mo." Papa
"Ayaw ko. Kuha na ko ha. Kuya unahan mo ko." Tumakbo siya pababa.
"Hoy Cath subukan mo namang ubusin yan. Cath itira mo ko" hinabol ko siya pababa.
Nakakamiss tong kakulitan ng kapatid ko. Ang bait bait niya hindi ko alam bakit kailangan pa siyang saktan ng mga lalaking walang magawa sa buhay. Alam ko balang araw magsisisi din yung Randrei na yon. Aabangan ko ang araw na yon.
BINABASA MO ANG
HIS&HER ONE SIDED LOVE
Ficção AdolescenteMahal ko siya, mamahalin din kaya niya ako?