Chapter 16

66 1 0
                                    

Catherine's POV

Nandito kami nina Ann at Micah sa cafeteria.

"Cath ano pinag usapan niyo ni Randrei kahapon?" Ann.

"Wala. Di naman kami nakapag-usap."

"Ha? Bakit? Pumunta ka pa sa park hindi rin pala kayo mag uusap. Anong ginawa niyo nagtitigan?" Ann

"Wala. Hindi kami nakapag usap kasi bago ako makarating may nauna na sa akin eh. Si lovely."

"Ano namang role ni Lovely?" Micah.

"Mas nauna niyang napuntahan si Randrei. Pagkatapos umalis sila ng magka akbay. Hindi na ako nahintay ni Randrei kasi may Lovely na so aanhin pa niya si Cath diba?" Ako.

"Oh bat ganyan itsura mo?" Ann

"Pag-ibig na ito" Pakantang sabi ni Micah.

"Hi Ann. Hi Micah. Hi Cath." Tinignan namin kung sino ang nag hi sa amin. Si Lovely. Tinignan ko si Ann at Micah. Parang tanga na nakanganga.

"Hi Lovely. Upo ka." Umusog ako para makaupo si Lovely sa tabi ko.

"Salamat. Hmm bat ganyan yung dalawang yan?" Tanong sa akin ni Lovely.

"Namiss ka lang nila." Yes, close close kaming apat. Kaya lang nalipat ng section si Lovely. Medyo may pinagdaanan kasi siya nung 3rd year kami kaya ganon.

"Kamusta ka na Lovely?" Micah.

"Ok lang. May ibibigay lang ako sainyo, next time na tayo magkwentuhan ha." May inabot siyang keychain sa amin. "Galing hongkong, naalala ko kasi kayo nung nandun kami eh."

"Yieee kinikilig ako. Hahahaha. Salamat." Niyakap ko siya ganon din ginawa nina Ann at Micah.

"Salamat." Micah

"Thanks " Ann.

"Welcome. Sige ha alis na ako. May quiz pa kami eh." Lovely. Umalis na siya. After 15 minutes umalis na din kami. Aish 1-3 pm math subject namin. Hello dreamland nanaman ba ako?

----------------------------------------------------------

"CLASS DISMISS " teacher. Grabe sa dalawang oras na yon eto lang ang naiintindihan ko.

"Cath una na kami ha. May meeting mga club namin eh." Ann.

"Sige ingat kayo."

Lumabas na ako ng school at bumili ng zagu. Haay makakaauwi din.

"Cathy!" Alam ko na kung sino to. Kaya di ako lumingon

"Cathy!" Hinawakan niya ako sa balikat.

"Bat di ka namamansin? Ay oo nga pala maganda ka nga bingi ka naman." aba ha!

"Ok!" Naglakad ulit ako.

"Joke lang. Eto naman. Ah wala si Randrei dito." Randrei.

"Ah talaga? Eh ayan nga nasa tabi kita at sinasabi mo na wala ka."

"Basag ka talaga no. Hanapin mo nalang ako. Ulit! Cathy wala si Randrei."

"Ok. Nasaan si Randrei?"

"Nandiyan. Sa puso mo pinapatibok ng bonggang bongga." Nandito ka naman talaga eh.

"O si Cathy nasaan?" Tanong ko sakanya.

"Nandito sa tabi ko. Palagi." Ngumiti siya. Ngiting totoong totoo. Ngumiti din ako sakanya.

"Oo. Palaging nasa tabi mo at never mapupunta sa puso mo." Tumawa ako ng pilit.

"Salamat Cathy." ang seryoso niya. "Salamat kasi lagi kang nandiyan. Salamat sa pag iintindi. Salamat kasi naging kaibigan kita." Niyakap niya ko. Bigla kong pinunasan ang luha ko.

"May gagawin ka ba?" Tanong niya sa akin.

"Oo eh. Marami kaming assignment sa math."

"Ah sige. Tulungan nalang kita."

"Hindi na. Kaya ko na. Baka masanay ako na lagi kang nandiyan."

"Ok lang no. Hindi naman kita iiwan eh." Sana nga. Sana nga Randrei.

Naglakad na kami papunta sa sakayan ng trike. Nakita ko si Vince na nakatingin sa akin kaya nginitian ko nalang siya at sumakay na kami ng trike ni Randrei.

HIS&HER ONE SIDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon