Chapter 34

67 1 0
                                    

Randrei's POV

Malapit ng matapos ang 1 month. 1 month na magdedate kami ni Lovely para magustuhan niya ako. Alam ko na hindi pa din ako ang mahal ni Lovely, nararamdaman ko yon. Hindi naman siya mapilit ni Cath na mahalin ako at ayoko naman na mangyari yon. Nakakainis. Para saan pa bat ako nakipagclose kay Cath kung hindi din ako mamahalin ni Lovely.

Pinipilit kasi ni Lovely na si Cath nalang daw ang mahalin ko. Ano bang magagawa niya kung never kong magugustuhan si Cath. Kahit anong gawin non hinding hindi ko siya magugustuhan. Kailangan ko lang siya.

To: Catherine
"Where ka? Punta ka sa park"

*message sent*

Wala namang pasok ngayon kaya ok lang at alam ko naman na pupunta yon. Mag aayos na ako para pupunta na din ako sa park.

-----------------------------------------------------------

Nandito na ako sa park pero wala pa din si Cath. Nasaan na ba yon? Tinignan ko ang cellphone ko at may isang text.

From: Catherine
"Randrei anong oras pupunta ng park?"

Kaya pala wala pa siya. Tinext ko siya na nandito na ako tapos nagtext din siya na papunta na daw siya. Malapit lang naman sa amin to kaya hihintayin ko nalang siya.

"Randrei!" Nandito na siya. May maingay na eh. Tinignan ko lang siya hangga sa makalapit siya sa akin. Ang saya saya niya pero yung mata niya parang may lungkot na ayaw niyang ipakita sa iba. May problema ba siya?

"Huy! Natulala ka diyan. Problema?" Nagulat ako sakanya.

"Wala. Iniisip ko lang na malapit ng matapos ang one month." Bigla siyang nalungkot.

"Oo nga no. Pero ok na din yun atlit nakasama mo siya diba. Tapos ang dami niyo na ding nagawang memories. O diba bigtime." Tama siya.

"Sabagay. Kaya lang nakakalungkot pa din. Pwedi mo ba kong samahan?"

"Saan?"

"Mall tayo."

"Hmmm osige. Pero wag masyado magastos ha konti lang nadala kong pera."

"Oo sige. Tara na." Ngumiti siya at umalis na kami.

Nakarating kami sa mall. Niyaya ko siya na kumain muna bago kami mamasyal. Pagkatapos namin kumain nagyaya siya mag arcade. Dahil gusto ko naman pumayag na ako. Pumasok kami sa may arcade nakatingin siya dun sa toy catcher ba yon? Basta yung kumukuha ka ng stuffed toy.

"Gusto mo?" Nagulat siya.

"Hindi. Tara na dun tayo." Lumipat siya doon sa basketball. Pareho namin gusto ang basketball.

"Laban tayo Cathy. Mapipitik ang talo ha."

"Oo sige. Kung ilan yung lamang ganon ang pitik ha." Tumango ako. Alam kong magaling magbasketball to. Eto ata bonding time nila ng kuya niya eh.

"Paano ba yan panalo ako Cathy."

"O pitik na." Nilapit niya sa akin ang fist niya. "Tatlo lang ha." Pinitik ko siya. Nakita ko na namula mga daliri niya.

"Masakit ba?" Mukha siyang nagulat sa tanong ko
"Hindi. Ok lang."

"May bibigay pala ako sayo." Nilabas ko yung nakabalot sa bag ko. Tinignan ni Cathy yung laman. Dress siya. "Birthday gift at thank you gift na din."

"Salamat. Kahit wala ok lang no. Pero thank you ha. Ang ganda." Ang ganda ng smile niya.

"Cr lang ako. Hintayin mo ako dito ha." Nag nod siya at umalis ako. Nakokonsensiya ata ako.

Catherine's POV

Nandito lang ako sa labas ng arcade. Nag cr lang si Randrei. Ang layo pa man din ng mga cr baka matagalan yon.

"Catherine?" Tinignan ko ang tumawag sa akin. Si ate Rachelle.

"Anong ginagawa mo dito?" Ay sabay pa man din kami. Natawa kami pareho.

"Kasama ko ate si Randrei. Nagpatulong lang siya."

"Nasaan siya ngayon?"

"Nag cr." Tumango siya tapos napatingin siya sa hawak kong paper bag.

"Kapatid ko talaga oh. Pinahawak pa sayo yung regalo niya kay Lovely. Di na nahiya yon." Ano daw?

"A-ano ate?"

"Dress na kulay bluegreen yan diba?" Tumango ako. "Yan yung regalo niya kay Lovely. Hangga ngayon hindi pa pala niya naibibigay."

"Para kay Lovely to?"

"Oo. Ako kasama niya nung binili namin yan. Ako pa nga namili eh. Favorite daw kasi ni Lovely bluegreen." Oo favorite nga niya yon. "Balitaan mo nalang ako kung nagustuhan ni Lovely ha. Una na ako. Hinihintay na ako ng mga friends ko." Nagbeso lang kami tapos umalis na siya.

Pinunasan ko ang luha ko sakto namang dumating si Randrei.

"Ok ka lang?" Tumango ako atsaka ngumiti.

"Para sa akin ba talaga tong dress?" Natigilan siya pero agad din nakarecover.

"Oo naman. Binili ko yan para sayo. Tara na uwi na tayo."

"Tara na. By the way thank you dito." Tumalikod ako at pinunasan ang luha ko.

Kay Lovely pala dapat talaga to. Minsan akala natin para sa atin talaga ang isang bagay tapos bigla malalaman natin na pagmamay ari pala siya ng iba.

HIS&HER ONE SIDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon