Chapter 52.2

76 2 0
                                    

Catherine's POV

After ng ceremony nilapitan kami ng mga teachers namin at cinongrats. Pati mga parents namin nilapitan na kami. Picture picture na din.

"Ann, Micah una na kami ha. Punta kayo mamaya sa amin." Kiniss ko sila sa cheek atsaka na kami naglakad nina mama, papa at kuya.

"Ate catherine." Tinignan namin ang tumawag sa akin. Si Venice pala. Lumapit sila sa amin.
"Congrats ate. Soo proud of you." Niyakap niya ako habang niyuyugyog. Basta ganon.

"Thank you Venice. Congrats din Vince." Nagsmile siya sa akin ganon din naman ako sakanya. Nagmano ako kay tito at tita tapos cinongrats na din nila ako. Nauna ng umalis sina Vince sa amin aalis na din sana kami kaya lang may tumawag ulit.

"Catherine." Alam ko kung sino ang tumawag sa akin. Nahihiya ako sakanya.

"Nak may tumatawag sayo." Papa. Nilingon ko ang tumawag sa akin.

"Ate Rachell." Hindi siya nag iisa. Kasama niya si Randrei at ang mama at papa nila.

"Akala ko hindi mo ko narinig. Congrats gorgeous Catherine." Niyakap niya ako. Natawa ako sa sinabi niya.

"Salamat ate. Ikaw din gorgeous." Nagtawanan kami. Tinignan ako ni ate Rachell sa mata tapos tinuturo niya si Randrei gamit labi niya.

"Ate ayaw kong masira ang araw niya dahil sa akin." Bulong ko sakanya.

"Wala na ba talaga kayong pag-asa?" Ngumiti lang ako bilang sagot.

"Sige ate alis na kami."

"Congrats iha." Tito.

"Thank you po."

"Nak congrats." Niyakap ako ni tita.

"Thank you po." Tinignan ko si Randrei. Wala talaga tong pakialam sa akin.

"Randrei!" Tumingin siya sa akin. Tinignan din siya ni Kuya at papa. "Congrats." Tumalikod na ako, ayaw kong makita ang reaction niya eh. "Tara na po." Niyaya ko na silang umalis.

Kailan? Kailan matatapos to? Kapag ba hindi na ako si Catherine doon lang siya magkakaroon ng pakialam sa akin? Patawa siya. Hindi ako magbabago para sakanya. Simula ngayon sasanayin ko na ang sarili ko na wala siya.

HIS&HER ONE SIDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon