Catherine's POV
Sunday ngayon at magsisimba kami ni Mama at ni Kuya. May kuya ako kaya lang sa ibang school siya nag aaral kaya tuwing linggo lang siya nakakauwi.
Naglalakad lang kami papunta sa simbahan, malapit lang din naman eh. Nung nasa harap na kami ng simbahan ang daming nagtitinda ng lobo.
"Cath gusto mo ng lobo?" sabi ni Kuya.
"Tse! 4th year high school na ako no." inirapan ko nalang siya.
"Malay mo naman bigla mong naisipan na gusto mo. Alam ko kasi isip bata ka. Ililibre naman kita eh." Kuya ko ba talaga to?
"Ay nako Christian inaasar mo nanaman kapatid mo. Tara na pasok na tayo." Mama.
"Cath ayun sina Vince oh. Ma nandun din si Tita" napatingin kami sa tinuro ni kuya. Nilapitan nila kuya at mama sina Vince kaya sumunod nalang ako at nagmano kay tita.
"Mare may nakaupo ba dito?"
"Ah wala mare sige upo na kayo." Tita Virma.
Umupo na kami pero itong si kuya tinabi niya ako kay Vince. Palibhasa kasi hindi nila alam ang nangyari sa amin ni Vince.
"Cath kamusta ka na? Bakit hindi ka na pumupunta sa bahay? Laging nandon si Kate, bat di ka sumama sakanila minsan?" Lagi pala silang pumupunta sakanila.
"Ah busy lang po kasi kami Tita. Sige po next time pupunta ako sainyo." Ngumiti ako sakanya.
"Sabi mo yan ha. Namimiss ka na kasi namin ni Vince." Napatingin ako kay Vince pero umiwas lang siya ng tingin.
"Bat naman po ako mamimiss ni Vince eh lagi ko siyang nakikita sa school."
"Hay naku. Miss ka talaga niya, minsan nga ang lungkot niya." Tita Virma
"Hindi po niya ako mamimiss. Baka po nag away lang sila ni Kate kapag malungkot siya. Hindi niya po ako mamimiss, diba Vince?" Tinignan ko siya.
"Oo naman. Bakit naman kita mamimiss diba?" Tumawa nalang ako ng peke sa sagot niya. Yan naman ang gusto kong sagot niya diba? Pero bakit parang ang sakit?
"Ay kayo talagang mga bata kayo. Indenial pa. Osige na malapit na mag umpisa." Tumingin ako sa harap at pasimple kong pinunasan ang luha ko.
Nalulungkot daw siya? Gusto ko siyang pasayahin pero di naman siya sasaya kung ako. Tinignan ko si Vince nakayuko lang siya. Binalik ko ang tingin ko sa altar.
'Jesus kayo na pong bahala kay Vince. Ingatan niyo po siya at panatilihing masaya. Thank you po. '
---
Thank you.