Catherine's POV
Sunday ngayon at heto kami papuntang simbahan.
"Nak ayun sina Vince." Expect ko na naman na nandito din sila kasi every sunday nagsisimba sila. Pinuntahan namin sila at nagmano kami kina tita.
"Ate tabi tayo dito." Umusog siya kaya ang nangyari nasa gitna nila ako ni Vince.
Maya maya lang ay nagstart na ang misa kaya hindi na kami nakapag usap. Nang matapos ang misa nagmano ulit kami at sama samang naglakad palabas ng simbahan.
"Vince bat hindi muna kayo mamasyal ni Cath. Itreat mo na din siya tutal birthday niya nung friday." Tita
"Hindi na po. Ok na po yung friday."
"Oo nga naman anak. Mag enjoy muna kayo bago ang periodical exam niyo. Ok lang ba sayo Vince?" Tumango si Vince. Tinignan ko si kuya para humingi ng tulong.
"Tama sina mama at tita. Bibigyan naman nila kayo ng pera. Enjoy lang kayo don ha."
"Ma pweding sa star city nalang kami?" Ako
"Ok sige matulog nalang kayo kina tita mo non. Panigurado gabi na kayo matatapos. Ok lang ba Vince?" Tumango si Vince. "Osige na ingatan niyo sarili niyo."
Malayo malayo ang biyahe. Taga Pampanga kasi kami eh. Tinignan ko si Vince at......
Vince's POV
Tinignan ako ni Cath. Kaya ngumiti ako sakanya.
"Ahm Vince alam ko naman na napilitan ka lang. Pero thank you sa pagsama sa akin ha. Kailangan ko lang kasi talagang mag refresh ngayon." Cath. Sa totoo lang matagal na namin pinaplano ni Cath to kasi daw namimiss na niya ang star city kaya lang hindi kami matuloy tuloy.
"Wala yon. Matagal na din naman nating pinlano to eh."
"Paano pala bukas? Mag aabsent tayo?" Cath
"Pagawa nalang tayo ng excuse letter kina mama." Tumango nalang siya.
Nang makarating kami sa bus station umupo agad si Cath sa tabi ng bintana.
"Parang kailan lang no. Nung magbestfriend pa tayo tapos pinaplano natin ang pagpunta sa star city. Akala ko hindi na matutuloy yon pero eto tayo ngayon on the way sa star city." Ang lungkot niya. "May sasabihin pala ako sayo."
"Ano yon?"
"Pakonti konti nakakalimutan ko na ang bestfriend. Ganon pala no pag sa umpisa mahirap. Ikaw ba nung kinakalimutan mo ko nahirapan ka din?" Tinignan niya ako sa mata ko. Hindi ako makasagot kasi hindi ko alam ang isasagot ko.
"Wag mo na palang sagutin. Mukha kasing masasaktan lang ako sa sagot mo." Tumawa siya ng peke. "Sana kasing galing kita no. Sana mabilis din akong makalimot hindi dahil ayoko ng masaktan kundi dahil sabi mo dun ka sasaya. Sorry ha nagdrama nanaman ako. Sige matutulog muna ako." Sinuot na niya ang earphones niya atsaka pumikit. Pagpikit niya nakita ko na may tumulong luha sa mata niya. Ganon ko ba siya nasaktan? Sorry.Kasalanan ko ba lahat ng to? Sobra ba akong naging makasarili?
---
Itutuloy....
BINABASA MO ANG
HIS&HER ONE SIDED LOVE
Ficção AdolescenteMahal ko siya, mamahalin din kaya niya ako?