Chapter 24

58 1 0
                                    

Catherine's POV

Ilang araw ng laging magkasama si Lovely at Randrei. Sana maging maayos yung sakanilang dalawa. Pero tuwing nakikita ko sila hindi ko pa din maiwasan ang masaktan tulad ngayon nandito ako sa cafeteria pinapanuod sila.

"Lovely kain ka oh. Pinagbaon kita." Randrei.

"Salamat."

"May sasabihin pala ako."

"Ano yon?"

"Ang ganda mo talaga no at ang bait mo pa. Kaya siguro mahal kita."

"Baliw ka no. Masyado mo akong binobola. Pero si Cath maganda din naman siya at mas mabait pa sa akin."

"Kahit sino pa ang mas mabait sayo hindi ko sila magugustuhan. Siguro maganda at mabait nga si Cath pero ikaw ang mahal ko eh." Lovely bakit mo pa kasi ako sinama sa usapan niyo.

"Hindi ko alam kung bakit ako ang napili mo. Alam mo ba na may ibang tao na laging nandiyan para sayo?"

"Oo alam ko. Si Cath diba? Pero hanggang doon lang kami eh. Hindi ko kayang mahalin si Cath pero nagpapasalamat ako kasi lagi siyang nandiyan para sa akin." Ouch!

"Ah ganon ba. Pero kung si Cath ang pipiliin mo hindi ka masasaktan."

"Oo hindi ako masasaktan pero hindi din ako sasaya." Wala na. Hindi ko na napigilan. Umiiyak nanaman ako.

Tumayo ako at umalis sa canteen. Ang sakit sakit. Sobra. Alam ko naman yon eh pero bakit kapag sakanya mismo nanggaling mas masakit. Dapat kasi hindi nalang ako nafall kay Randrei. Dapat kasi hindi nalang ako iniwan ni Vince. Hindi sana ako nasasaktan ngayon.

---
Thank you.

HIS&HER ONE SIDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon