Chapter 18

64 2 0
                                    

Catherine's POV

One week na simula nung nagpapatulong si Randrei sa akin. Kaya ginawa ko nagtanong tanong ako kay Lovely. At dahil may information na ako babalitaan ko si Randrei. Nasa park ako at hinihintay ko nalang siyang dumating.

"Cathy!" nandiyan na siya.

"Tagal mo naman!"

"Ok. O ano na?"

"May ibang mahal si Lovely eh. Eto picture niya." Pinakita ko sakanya yung pinadevelop kong picture.

"Bat mo pinapakita sa akin yan? Wala naman akong pakialam sakanya." Inaabot niya sa akin yung picture pero hindi ko kinuha.

"Tignan mo. Yan yung itsura ng mahal ng taong mahal mo."

"Sige ipamukha mo pa sa akin na hindi ako ang mahal ni Lovely." Pinunit niya yung picture at binato sa akin. Nagulat ako sa ginawa niya. "Bakit mo ba talaga pinapakita yang walang kwentang picture na yan?!" Napatingin yung matanda sa tabi namin.

"Wala. Ka-kasi gusto ko lang."

"Pakialam ko sa gusto mo?! Eto ang tandaan mo ha. Wala akong pakialam sa gusto mo at lalong lalo na sayo at sa nararamdaman mo." Umalis siya. Ako eto umiiyak nanaman. Umupo ako at tinakpan ko mukha ko gamit ang mga palad ko. Naramdaman ko na may humawak sa balikat ko. Pag angat ko ng ulo ko, di ko alam ang irereact ko, hindi ko alam ang mararamdaman ko.

"Panyo oh. Alam kong kailangan mo yan." Vince. Pinunasan ko ang luha ko.

"Ah hindi na ok lang."

"Eto oh. Kunin mo na. Kapag di mo kinuha to magtatampo ako sayo." Ngumiti ako.

"Salamat."

"Wag mo ng isipin yung sinabi niya sayo. Baka galit lang siya kaya wala sa mood kaya niya nasabi yon. Wag ka ng umiyak ha. Basta isipin mo na mas marami ang taong nagmamahal sayo. Sige alis na ako." Tumayo siya.

"Salamat Vince. Hanggang ngayon ikaw pa din nakakapagpatahan sa akin kapag umiiyak ako."

"Kalimutan mo na yung dati. Tapos yung nangyari ngayon isipin mo nalang na hindi ako ang nag abot ng panyo at kumausap sayo."

"Pero bakit?" Hindi niya sinagot ang tanong ko. Umalis nalang siya.

Ang gulo! Naguguluhan na ako! Sobra! Una si Randrei bakit niya sinabi yon? Nagsasawa na din ba siya sa akin? Iiwan din ba niya ako? Pangalawa si Vince, bat ganon? Nilapitan niya ako, binigyan ng panyo at kinausap tapos gusto niya kalimutan ko nalang siya. Ano ba!!!! Ayoko na!!

HIS&HER ONE SIDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon