Catherine's POV
Ayaw ko sanang pumunta sa simbahan ngayon alam ko naman na nandun si Vince. Pero ayaw ko naman idamay ang pagsisimba ko dahil lang sa kanila.
Pagpasok namin sa simbahan nandun nga si Vince. Inaya ko sina mama na sa likod nalang kami. Kaya lang sa likod nga kami, likod nina Vince. Pareho lang naman eh. Makikita ko pa din siya.
"Hi ate." napatingin kami nina mama at kuya kay venice. Si Vince at tita naman napatingin sa amin.
"H-hi venice. Hi po tita." Tinignan ako ni Vince pero umiwas ako. Father dumating na po kayo magstart na tayo please.
Buti nalang nagstart na agad. Ang awkward na eh. Peace be with you na. Kiniss ko lang sa cheek si kuya at mama. Nag peace be with you din ako kay Venice at tita. Iiwasan ko sana si Vince but too late, nagpeace be with you siya sa akin kaya nagpeace be with you na din ako. Nagpeace be with you din ako sa kalikuran namin kaya lang parang pinagsisihan ko bat pa ako humarap don. Ngiting ngiti pa man din ako.
"Peace be with you Catherine." tinignan ko ang katabi ni Randrei, si ate Rachelle. Nagpeace be with you ako sakanya at tinignan ko si Randrei sa mata. Ngumiti ako at nagpeace be with you sakanya. Halatang nagulat siya.
Hangga sa natapos ang misa hindi ako mapakali dahil feel ko may nakatingin sa akin. Kaya nga nakayuko nalang ako eh.
"Catherine." tinignan ko ang tumawag, si ate Rachelle.
"Hi ate. Kamusta?"
"Ok lang. O ikaw?"
"Ate tara na." tinignan namin si Randrei at mukhang nagulat siya kasi ako ang kausap ng ate niya.
"Ok na ako ate. Sige alis na ata kayo eh. Ingat ha."
"Osige good luck pala sa finals niyo. By the way meron akong pasalubong sayo ipapabigay ko nalang bukas kay Randrei.""bat ako?!" Randrei
"Ayaw mo?" Tinaasan siya ng kilay ng ate niya.
"Hmm kung ayaw niya ok lang. Ibigay mo nalang ate kapag nagkita ulit tayo."
"Ok sige. Nakatopak nanaman kasi tong kapatid ko. Minsan mabait minsan hindi."
"Minsan din mang gagamit." ngumiti ako. Tumawa naman si ate Rachelle. Hindi niya kasi alam ang nangyari. Si Randrei naman nagulat? ewan ko.
"Sige babye Catherine. Ingat ka." Kiniss ako sa cheek ni ate at umalis na. Bago sila umalis, tinignan ako ni Randrei. Hindi ko alam ano ang gusto niyang sabihin. Pero pakialam ko naman sakanya. Nasaktan na niya ako hindi na ako papayag na mangyari ulit yon.
Kalimutan ko na muna yon baka bumagsak pa ako sa test kapag yun nalang ang inisip ko. Hay God bless us. Kaya to. Fighting!!