Chapter 7

92 1 0
                                    

Catherine's POV

Dinala ako ni Randrei dito sa park.

"Hoy Randrei. Balik na tayo don. May pasok pa ako."

"Wala kayang pasok. May emergency meeting mga teachers." Ahh sana pala hindi nalang ako pumasok. Sayang uniform.

"Muntik ka ng umiyak kanina sa harap nila ha." Tinignan ko siya ng nagtataka. "Alam ko yung tungkol sa kanilang dalawa at alam ko din yun nangyari sainyo ni Vince." Hindi ko naman sinabi sakanya pero bakit alam niya? "Kanina nung pumasok ka, nabigla ako bakit nagkocall ka kaya sinagot ko tapos yon narinig ko ang kinuwento mo kina Ann." Aish! Pahamak talaga ang phone ko. Kapag kasi nasa bulsa ng palda ko ganon talaga. "Tama sila. May dalawa ka pang bestfriend. At may pogi kapang kaibigan" nag pogi pose pa siya sa harap ko. "Pero seryoso, sa una lang masakit yan pero kapag tumagal unti unti din mawawala at unti unti ka ng masasanay. Kaya move on ka na Cathy!"

"Yiee! Thank you ha Randrei. Halika libre kita ng siomai" tumayo ako ganon din ang ginawa niya.

"Siomai? Sure. Dalawang order ha. Atsaka na Zagu" wow ha.

"Oo na. Basta uwi tayo ng maaga ha."

"Elementary Cathy? Hahaha oo sige. Hahatid na din kita. Tuloy na tayo sa mall, nandun kasi ang pagibig ko eh" haay kaya nasasaktan eh. Tumango nalang ako tsaka na kami sumakay ng jeep papuntang mall.

Naglalakad lang kami dito sa mall pagkatapos namin kumain. Eto namang si Randrei kung saan saan lang pumupunta. May hinahanap ata.

"Drei!!" Napalingon kami ni Randrei sa tumawag sa kanya. Yung ate pala niya.

"Oh bakit?" Sweet nila

"Sweet mo talaga no. Hala! Isusumbong kita kay mama. Nag cutting class kayo no? Oh Hi Catherine." Ang taray niya kay Randrei pero pagdating sa akin ang sweet niya. Haha. Ang ganda ng ate niya kaya di na ako magtataka kung bakit pogi din tong si Randrei.

"Hi ate." Ngumiti ako sakanya

"Ate wala kaming pasok. May meeting mga teachers. Atsaka edi sumbong mo ko kay mama. Natext ko na kaya siya" Dumilat si Randrei sakanya. Ang cute nilang tignan.

"Fine! Wala kayong pasok diba? So mamaya pa kayo uuwi? Ok! Sama nalang ako sainyo. Wala akong kasama. Ok lang naman diba Catherine?" Catherine talaga tawag niya sa akin. Halos Cath daw kasi tawag sa akin kaya gusto niya kakaiba sakanya.

"Oo naman ate."

"Osige ate sama ka nalang sa amin. Tutal uuwi na kami" napatingin ako kay Randrei, si Ate Rachelle naman ang sama ng tingin. "Joke lang! Tara na" inakbayan ako ni Randrei pero bigla akong hinila ni ate.

"Kaming dalawa ni Catherine ang magkatabi."

"Pero kaming dalawa ang unang magkasama eh!" Sinamaan lang siya ng tingin ni Ate Rachelle kaya wala siyang nagawa.

"Catherine alam mo gusto kita para sa kapatid ko." Tinignan ko siya. "Alam mo naman na may mahal siya kaya lang may ibang mahal. Ayokong nakikita siyang nasasaktan. Alam ko naman na ikaw hindi mo siya sasaktan."

"Ay ate hindi kami ni Randrei. Atsaka hindi mangyayari yon."

"Nafifeel ko din eh. Pero malay natin diba. Mapaglaro ang tadhana. Basta boto ako sayo." Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti nalang din ako."Tara na uwi na tayo. Hatid ka na namin Catherine. Hoy Drei bagalan mo ngang maglakad. Uuwi na tayo hintayin mo kami." Nauuna pala siya maglakad sa amin.

"Kanina ang sama ng tingin mo sa akin nung sinabi kong uuwi na tayo. Ngayon naman nagyayaya ka ng umuwi. Hay ate ko talaga." Ang haba ng sinabi niya pero pumayag din siya.

Nagjeep na kami at after 15 minutes ata yon nakarating na kami sa bahay namin.

"Thank you Ate, thank you Randrei. Ingat kayo." Biglang lumapit sa akin si ate rachelle.

"Protect my brother and make him happy." Pinuntahan niya na si Randrei. "Good night Catherine. Take care."

Hinintay ko lang silang maka alis at pumasok na ako sa bahay. Ano ba ang sinasabi ni Ate Rachelle? Bahala na nga muna yon. Matutulog na ako. Good night.

----

Comment po. Thank you.

HIS&HER ONE SIDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon