Chapter 10

82 1 0
                                    

Catherine's POV

Naiinis ako kay Randrei dahil dun sa tinanong niya nung monday. Kaya naman 3 days ko na siyang hindi pinapansin. Thursday na ngayon, ang bilis ng araw. Pagpasok ko sa school huminga ako ng malalim at ngumiti.

"Cathy! Cathy!" Hindi ko pinansin ang tumatawag sa kin. Si Randrei lang naman yan. "Cathy teka lang naman." Hinawakan niya ako sa balikat kaya lumingon ako sakanya ng nakataas ang kilay.

"Bat ba hindi mo ko pinapansin? Akala mo ba di ko mahahalata yon ha Cathy?"

"Ah ganon ba. Sige una na ko baka malate pa ako."

"7:30 palang. At tinanong ko kina Ann anong oras ang pasok niyo ang sabi nila 8. So hindi ka pa malelate." Hinawakan niya kamay ko at dinala sa garden ng school.

"Cathy ano bang nagawa ko?" Hindi ako sumagot. "Nag absent pa man din ako sa first subject namin para lang makausap ka tapos di ka magsasalita?" Hindi pa rin ako sumagot. "Kahit may quiz kami di pa rin ako pumasok."

"Kasalanan ko?"

"Cathy kausapin mo na ako. Ano bang problema?"

"Ikaw kasi! Alam mo ng hindi pa ako nakakamove on sa bestfriend tapos itatanong mo yon kay Vince sa harap ni Kate, pati sa harapan ko." Yumuko ako.

"Pero sabi mo ok lang."

"Sinabi ko yon para matigil na. Sinabi ko yon para isipin ni Vince na ok ako. Sinabi ko yon kasi ayaw kong magmukhang mahina sa harapan nila. Pero pagkatalikod ko wala eh, umiyak pa din ako. Ang sakit, ang sakit ng sinabi ni Vince. Kasalanan mo eh. Kung hindi mo tinanong hindi niya sasagutin yon!" Hindi ko na napigilan ang umiyak.

"Kasalanan ko? Sa tingin mo kasalanan ko kung bakit hindi ka makamove on? Cath! Tulungan mo ang sarili mo. Kung hindi ko tinanong yon hindi mo malalaman ang totoo At hanggang ngayon sana umaasa ka pa na babalik siya sayo!" Lalo akong naiyak sa sinabi niya. Truth hurts nga naman. "Cath tinutulungan lang naman kita. Ayaw lang naman kitang masaktan."

"Sorry."

"Tsaka nalang tayo mag usap kapag ok ka na." Tumalikod na siya at naglakad kaya hinabol ko siya at hinawakan sa balikat.

"Sorry talaga." Inalis niya ang hawak ko sakanya at tuluyan ng umalis.

Tama si Randrei. Kailangan ko ng mag move on. Kaya ko to!!

----

Nagustuhan niyo po ba? Comment please. Thanks.

HIS&HER ONE SIDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon