Chapter 38

69 1 0
                                    

Catherine's POV

Pumunta ako kina Vince.

"Tao po. Vince." Nandito ako sa harap ng bahay nila

"O ate ikaw pala. Pasok ka. Ma nandito si ate Cath." Kiniss ako sa cheek ni Venice. Ngumiti ako sakanya. Alam kong hindi totoo ang smile ko ngayon pero ayaw ko namang maging mean sakanya.

"Cath anak. Buti nakapasyal ka. Halika pasok ka paghahanda kita ng miryenda." Hinili nila ako papasok.

"Hindi na po tita kakatapos ko lang. Si Vince po pala?"

"Nasa kwarto niya ate. Tawagin ko lang siya. Wait lang." Tumakbo na paakyat si Venice.

"Buti napadalaw ka dito? Tagal mo ng hindi nakakapunta dito ha. Ano nga pala sadya mo kay Vince?"

"May itatanong lang po sana ako sakanya."

"Ah osige. Sure ka ba na nagmiryenda ka na?" Tumango ako kahit hindi. "Osige itutuloy ko muna ang mga ginagawa ko ha. Sabihin mo nalang kay Vince kapag nagugutom ka na." Ngumiti ulit ako kay tita, siya naman pumunta na sa kwarto niya. Maya maya lang bumababa na ang magkapatid.

"Ate pweding sama ako sa usapan niyo? Namiss kasi kita eh." Venice. Tinignan ko si Vince at mukhang nagets naman niya.

"Venice dun ka muna sa kwarto mo. Tsaka na kayo magkwentuhan ni Cath. Kami muna ngayon ha."

"Kuya sige na kasi please. Ate payag ka na. Namiss lang kasi talaga kita."

"May kailangan lang kaming pag usapan ng kuya mo tungkol sa mga school projects kaya for sure mabobore ka lang. After finals mag momall tayo sige."

"Sureee. Sige na aakyat na ako sa kwarto ko. Gagawa nalang ako ng mga assignment ko. Bye ate I miss you." Nagflying kiss muna siya bago umalis.

"Alam kong may problema. Doon tayo sa garden." Nauna siyang maglakad. Sana kaya kong tanggapin at kayang iprocess ng utak ko lahat ng malalaman ko. Sana.

--------------------------------------------------------

Vince's POV

Nakahiga ako dito sa kama ko ng biglang may kumatok.

"Kuya! Kuya!" Aish naman oh. Tumayo ako at pumunta sa pinto.

"Oh bakit?"

"Nandiyan si Ate Cath. Kuya parang katatapos niya lang umiyak." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Bakit naman iiyak yon. Ikaw Venice guni guni mo lang yon. Tara na."

Bumaba na kami para puntahan si Cath. Pagbaba namin, etong kapatid ko naman nagpupumilit makinig sa usapan namin. Pero tinignan ako ni Cath at nakita ko sa mata niya na may problema. Binawal ko siya kaya lang ayaw paawat eh. At buti nalang napapayag siya ni Cath. Inaya ko siya sa labas.

"Anong nangyari?"

"Vince bakit mo ba ako iniwan? Kung hindi mo ko iniwan hindi kami magiging close ni Randrei. Ay mali pala. Hindi makikipagclose sa akin si Randrei para gamitin lang ako." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Ano ba talaga ang dahilan kung bakit iniwan mo ko? Baka kasi yun din ang nakitang dahilan ni Randrei kung bakit niya nagawa lahat ng to."

"Hindi! Hindi kami pareho ng dahilan!"

"Kung hindi, sabihin mo sa akin kung bakit mo ko iniwan. Vince sabihin mo. Please." May tumulong luha sakanya.

"Sorry kung iniwan kita. Maniwala ka man o hindi, hindi ko ginusto yon. Napilitan lang ako. Siguro nga tama si Randrei na makasarili ako. Sabi kasi niya liligawan at sasaktan niya si Venice kapag hindi kita iniwan. Pinili kong wag masaktan ang kapatid ko kesa sayo. Yung sa amin ni Kate, totoong mahal namin ang isa't isa. Alam niya lahat. Kaya nandiyan siya palagi sa tabi ko. Naintindihan niya lahat. Cath alam kong masakit lahat ng sinabi ko sayo. Kaya lang napilitan lang talaga ako. Sorry Cath."

"Ganun nga siguro kadaling mamili kung isa ako sa mga choices. Hindi ba pweding a.venice b.catherine c.all of the above? Kaya lang kapatid mo yon eh. Kahit ako siguro gagawin ko yung ginawa mo. Alam mo din ba ang plano ni Randrei?" Tumango ako. Sa pagtango ko na yon lalo siyang umiyak pero bigla siyang tumawa.

"Eto ba yung pinag uusapan niyo non? Yung sinabi mo na may masasaktan?" Tumango ulit ako.

"Akala ko masakit na malaman na ginamit lang ako ni Randrei. Akala ko yon na lahat ng sakit, hindi pa pala. Ang sakit din pala no. Na yung taong pinagkakatiwalaan mo alam niya na masasaktan ka umpisa at huli pero wala siyang ginawa. Ganon na ba ko kawalang halaga sa mga tao sa paligid ko?"

"Cath sorry. Sorry kung hinayaan kong masaktan ka. Babawi ako."

"Vince paano ka babawi? Mababawi mo pa ba ang sakit na nararamdaman ko ngayon? Mababalik ba ng pagbawi mo ang mga luha ko? Bat ba ganyan kayo?" Pinunasan niya ang luha niya.

"Sorry Vince. Sorry kung hindi pa ako handa. Ah by the way pala salamat. Salamat sa pakikinig. Salamat kasi nandito ka ngayon. Sige uwi na ako." Tumayo siya pero pinigilan ko siya

"Cath please intindihin mo ako. Sorry hindi ko naman sinasadya. Cath please." Tinignan niya ako sa mata ko.

"Ako muna ang intindihin mo ngayon." Binitawan ko siya pagkatapos siya umalis na. Napaupo ako. Kasalanan ko lahat ng to. Tama naman siya eh pwedi namang silang dalawa ni Venice ang protektahan ko pero hindi ko ginawa. Akala ko kasi kaya ni Cath pero mali pala ako. Ngayon sobra siyang nasasaktan at wala akong magawa. Sana makayanan niya lahat ng to.

HIS&HER ONE SIDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon