Catherine's POV
Uuwi na kami sa Manila bukas kaya napagpasyahan ko na maglibot libot muna. Namiss ko din naman dito.
Napadaan ako doon sa park, sa park na lagi naming pinupuntahan nung highschool kami. Ang daming nangyari dito sa park na to. Ang daming memories. Nagulat ako ng biglang may batang lalaki na nakabunggo sa akin. Ang cute niya ang liit liit hahaha. Mga 3 years old siguro to.
"Hi Baby boy." Tumingala siya para makita niya ako. Nafeel ko na nahihirapan siya kaya umupo ako sa harap niya. "Ang cute naman ng balloon mo. Gusto mo din ng balloon?" Tumango siya. Pareho pala kami ng bata na to. Naalala ko tuloy yung surprise birthday celebration nila para sa akin.
"Ate. Ate." Parang may hinahanap siya.
"Sinong hinahanap mo baby? Ate mo?" Umiling siya. Sabi niya ate tapos hindi naman pala ate hinahanap niya. Mukhang di kami magkakaintindihan ng batang to.
"Si kuya?" Tumango siya. Binuhat ko siya
"Hanapin natin si kuya mo ha." Bigla siyang nagsmile. Ang cute niya. Pero may kamukha siya eh. Hay Cath naman. Stress ka na ata o miss mo lang siya? Nagkita naman kayo kagabi ha.
Umiko ikot kami sa park. May mahanap kaya kaming kuya nito.
"aishream" ano daw?
"Ano baby?"
"aishream." Tinuturo niya si manong na nag aice cream
"Gusto mo non? Ng ice cream?" Tumango siya. Kaya lumapit kami kay manong.
"Ano pong flavor meron kayo?"
"Strawberry at chocolate po."
"Ah sige po. Isa pong strawberry at isang chocolate." Inabot sa amin ni manong yung ice cream. Nagbayad na din ako.
"What do you want? Strawberry or chocolate?" pinakita ko sakanya yung ice cream. Tinuro niya yung strawberry. Yun ang gusto niya eh.
"Kuya. Kuya."
"Nasaan baby ang kuya mo?" May tinuro siyang lalaki. Nakatalikod siya sa amin kaya hindi ko makita ang itsura niya pero parang familiar sa akin. Tumakbo ang bata papunta don sa lalaki kaya hinabol ko siya.
"Kuya." Humarap yung lalaki at siya nga.
"Randrei?" Nagulat ata siya.
"Cathy?" Natigilan ako sa tinawag niya. Cathy?
"It's Catherine. Kamusta ka na?" Gulat pa din siya. Kahit moved on na ako, ayaw ko pa din na ganon na ang tawag niya sa akin.
"Baby siya ba yung kuya mo?" Tumango siya.
"Kapatid mo?" Tanong ko kay Randrei"Ah hindi. Pinsan ko. Nasa bahay sila kaya lang umiiyak kanina eh kaya nilabas ko."
"Kuya aishream." Inaabot niya kay Randrei yung ice cream.
"Alam ata niya yung paborito mo." Binuhat niya yung bata. Pareho silang nagsmile. Sabi ko na nga ba eh may kamukha yung bata.
"Catherine kamusta ka na?" Naglakad kami papunta sa mga bench.
"Ako? Ok lang ako. Still alive. Haha. Busy sa school. Ikaw? Binata ka na ha." Tumawa kaming dalawa.
"Baby laro ka muna don. Wag kang lalayo ha." Randrei. "Ok lang. Busy din paminsan minsan. Pwedi bang Cath nalang?"
"Oo naman. Yun naman tawag nila sa akin eh. Para namang hindi mo alam."
"Sorry." Nagulat ako. Sorry? Ngayon lang siya nagsorry sa akin pagkatapos ng lahat ng nangyari. "Alam kong sobra kitang nasaktan. Hindi ko na uulitin yon. Narealize ko kasi na mali pala talaga ang ginawa ko. Hindi ako nagpakamature nung time na yon."