Chapter 52

62 1 0
                                    

Catherine's POV

Ang aga akong ginising ni mama. Mas excited pa ata siya kesa sa akin eh. Pero sabagay magmamass muna bago ang mismong graduation. Sabi ng mga teacher namin mag ayos na daw kasi right after the mass, graduation ceremony na.

"Cath nakabihis ka na ba?" Si mama

"Opo ma. Bukas po yan pasok kayo." Binuksan niya ang pintuan at lumapit sa akin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Nak bagay mo pala ang nakacurl ang buhok. Tapos bagay mo din yang make up mo. Simple lang pero elegant kang tignan. Hmmm bagay talaga sayo yang suot mo. Lalo kang gumanda." Hinawakan pa niya ang suot ko.

"Ma uniform lang yan. Halos araw araw mo akong nakikita na suot to eh." Tumawa siya

"Kahit na iba pa din ngayon. Nagmukha kang dalaga sa ayos mo."

"Oo na po. Pwedi na ba akong umalis? Malelate ako sa mass. Si Kuya na muna ang maghahatid sa akin. Mamaya pa naman yung graduation ceremony. Mag make up muna kayo ni papa ha." Kiniss ko siya sa cheek at lumabas na ng kwarto

"Kuya hatid mo daw ako sabi ni mama."

"Aish. Osige na. Kung hindi ka lang..."

"Maganda? Alam ko naman yon eh." Napakamot nalang si kuya sa buhok niya at pinasakay na ako sa sasakyan. Marunong naman siyang magdrive kahit papano. Hindi na ako nagsalita simula nung sumakay ako, inaantok kasi ako eh.

"Hoy Cath nandito na tayo baba ka na. Maliligo pa ako." Binuksan niya yung pinto habang pareho kaming nasa loob.

"Oo na sandali. Kaya pala kanina pa ako may naaamoy na hindi kanais nais kasi di ka pa naliligo." Agad akong bumaba sa kotse

"Manahimik ka nga. Mabango pa din to no." Natatawa akong naglalakad papasok sa school habang iniimagine ko si kuya.

Pagpasok ko kung saan gaganapin ang mass at graduation ang dami ng estudyante. Nahihiya akong pumasok.

To: Ann and Micah
"Ui where kayo? Nahihiya akong pumasok."

Bat di sila nagrereply. Nahihiya ako baka kasi pagtinginan nila ako eh.

"Oh Cath anong ginagawa mo diyan?" Nagulat ako kay Kate.

"Ah eh hinihintay ko sina Ann at Micah."

"Nandun na sila sa loob. Halika samahan na kita sa kanila." Hinila niya ako sa kamay.

"Thank you." Naglakad kami papunta kina Ann pagdating namin sa upuan namin nagpaalam na si Kate nagthank you ulit ako. Mabait naman si Kate eh. Madami nga lang sigurong nag iisip ng hindi maganda tungkol sakanya kaya pati kami nadamay.

Ilang minuto lang magstart na ang mass. Pinalabas kaming lahat ng graduates with our parent. Si papa ang sumama sa akin, ayaw kasi ni mama baka daw umiyak lang siya don tapos kumalat ang make up niya. Bongga ha. Pinagmartsa nila kami hangga sa mga upuan namin. Nag opening speech muna yung principal namin, sumunod yung guest namin. Ang galing niya. Isa na siyang sikat na architect ngayon. Pagkatapos non nagbigayan na ng diploma at awards. Nagseselfie lang kaming magkaklase habang hinihintay yung iba na matapos, pero syempre patago. Kinakabahan ata akong magspeech. Baka kasi mabulol lang ako don o kaya naman maiyak ako.

"Let us call Catherine Cruz for her valedictory speech." Nagpalakpakan ang mga tao ako naman hindi ko alam ang gagawin ko. Tumayo ako at umakyat sa stage. Pag akyat ko tumingin ako sa mga tao at kapag sinuswerte ka nga naman oh una kong nakita si Randrei. Nakatingin din siya pero agad siyang umiwas. Napangiti ako ng mapait. Tinignan ko ulit siya pero sa iba na siya nakatingin. Kaya nilibot ko nalang ang tingin ko sa mga tao dito at nagsimula ng magsalita.

HIS&HER ONE SIDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon