Chapter 9

78 1 0
                                    

Catherine's POV

Monday nanaman. Nandito pa ako sa garden ng bahay tutal maaga pa naman mamaya pa ang flag ceremony.

"Good morning Cathy." napatingin ako sa tao sa harap ko.

"Randrei? Anong ginagawa mo dito?"

"Sinusundo ka. Bawal?"

"Sinong may sabe na sunduin mo ko?"

"Yung sarili ko lang. Si Vince lang ba may karapatang sumundo sayo?" Vince nanaman. Napansin ata niya na natahimik ako. "Di ba ano yun. Luzon Vincesayas Mindanao."

"Hahahahahahahaha. Dami kong tawa don. Mga 8. Huwag mo ng ulitin ha." Ang corny niya.

"Tse! Tara na malate pa tayo."

Lumabas na kami ng bahay. Naghahanap ako ng motor pero wala.

"Randrei asan na yung motor mo? Ayoko maglakad."

"Wala akong dalang motor. Ihahatid lang tayo ni mama. Ayun yung sasakyan oh." Tinuro niya yung sasakyan nila. Naglakad kami papunta don. Nagmano ako kay tita, nakita ko si Ate Rachelle kaya nag smile ako sakanya.

"Drei dun ka sa harap. Tabi kami ni Catherine sa likod." Bumaba siya at hinila niya ako papasok.

"Hi Catherine. Level up na ba kayo?" Nginuso niya si Randrei.

"Ihhh ate hindi po. Wag nalang po ako. Iba nalang."

"Catherine naman eh. Make him fall in love with you." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Sino ate?" Naku po narinig ni Randrei.

"Si Ken, yung boyfriend ni Barbie." ano namang palusot yon?

"Ah ok." Tumingin na siya sa daan ako naman tinignan ko si Ate Rachelle.

"Maganda ba palusot ko? haha. Basta boto ako sayo. Ako ang gagawa ng way para sainyong dalawa."

"Pero ate..."

"Wala ng pero pero. Ako na bahala." Sabay kindat sa akin.

"Hoy Cathy halika na kung ayaw mo malate." Nakalabas na pala siya ng sasakyan. Lumabas na din ako at nagthank you kina Tita at Ate Rachelle. Naglakad na kami papasok ng school. Eto namang si Randrei umakbay sa akin.

"Ngumiti ka lang." Nagtaka ako sa sinabi niya pero ngumiti nalang din. Pag tingin ko sa nakasalubong namin nakita ko si Vince at Kate. Kaya pala pinapangiti ako ni Randrei.

"Hi Randrei. Hi Cath." binati kami ni Kate.

"Hi." at ngumiti pa ako.

"Hi Kate. Oh pare kamusta?" Randrei

"Ayus lang naman. Tara na Kate baka malate pa tayo." Paalis na sila pero pinigilan pa ni Randrei.

"Sabay na kami ni Cathy sainyo. " Sumunod nalang ako sa kanilang tatlo. Wala din naman akong gagawin atsaka mukhang hindi nag attend ng flag ceremony si Ann at Micah. Habang nasa pila kami tahimik lang kami except Randrei. Kwento siya ng kwento. Ok lang sana eh kaya lang nagulat kami sa isa niyang tanong.

"Vince kailan mo balak bumalik kay Cathy? I mean yung bestfriend."

"Ahm wag nalang ninyong pakinggan yung sinabi ni Randrei. Wala lang siyang alam sabihin. Makinig nalang tayo kay Ma'am principal." ako

"Tinanong niya kaya dapat sagutin ko." Tinignan ko si Vince, siya naman nakangiti "Wala. Wala akong balak ibalik ang pagiging magbestfriend namin. Ayoko ng pahirapan ang sarili ko." Vince.

Nginitian ko silang tatlo. Gusto kong ipakita sa kanila lalo na kay Vince na hindi ako apektado.

"Ok lang. Ganon din naman ang gusto ko eh. Ang maging malaya tayong dalawa at maging masaya. Tama ka siguro mas maganda kung wala ng BESTFRIEND sa pagitan natin." Inemphasize ko talaga ang word na bestfriend. Ngumiti ulit ako at tumalikod sa kanila. Aalis na ako tutal nagpalakpakan na din naman ang mga students meaning tapos na ang flag ceremony. Pagkatalikod ko agad kong pinunasan ang tumulo kong luha.

Hindi naman talaga ok na walang bestfriend. Pero alam ko balang araw makakaya ko na ng walang Vince. At balang araw wala ng tutulong luha mula sa aking mata tuwing nagkikita at nagkakausap kami ni Vince.

I need to move on and be happy.

HIS&HER ONE SIDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon