Chapter 30

64 1 0
                                    

Vince's POV

Nang makarating na kami sa star city ginising ko na si Cath. Nung una ayaw pa niya pero nung sinabi kong nandito na kami agad agad gising.

Pumila na kami para makakuha ng stab yung parang bracelet atsaka na kami pumasok.

"Vince surf dance tayo." Cath

"Agad agad? Gabi ng lagim muna."

"Pwedi bang dun nalang sa peter pan? Ehe." Natawa ako sakanya.

"Matanda ka na Cath. Dun na tayo sa gabi ng lagim. Para makapagpractice tayo sa pag sigaw."

"Osige basta hawakan mo ako ha. Natatakot ako eh." Alam ko naman yon eh.

Naglakad na kami papunta sa gabi ng lagim. Maraming tindahan dito kaya itong si Cath ano ano tinuturo. Kesyo gusto niya ng ganon, bagay sa kanya yon bagay sakin yon. Pinipigilan ko lang siyang bumili pero bigla siyang tumakbo papunta sa isang tindahan.

"Vince tignan mo to. Ang cute no?" Isang stuffed toy.

"Gusto mo nanaman ba yan?"

"Oo. Bilhin mo na." Cath

"Ayoko." Nagbago expression niya.

"Hmm hindi naman para sakin. Pasalubong mo sana kay Kate. Pero kung ayaw mo ok lang, ikaw nalang humanap ng gusto mong ibili sakanya." Naglakad na siya. Bakit ba lagi nalang yung iba yung iniisip niya? Hinabol ko siya at nakita ko na malapit na siya sa gabi ng lagim.

"Tara na? Pasok na tayo." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papasok. Heto nanaman siya pabago bago sa mood.

Pagpasok namin mga sampu lang kami. Kaya lang yung iba magbabarkada kaya ang gulo nila. Naramdaman ko na naalis sa pagkahawak sa akin si Cath pero may humawak ulit. Kaya agad agad lumabas kami. Pag karating namin sa may exit, wala si Cath. Tinignan ko ang nakahawak sa akin bata lang siya. Mga second year high school. Nasaan na si Cath? Papasok sana ako kaya lang ayaw ng mga guard kailangan daw pumila ulit ako. Ang haba pa man din ng pila. Pero kailangan ko talagang pumasok. Naghintay ako at pumasok ulit. Nakarating na ako sa exit pero wala akong nakikitang Cath. Tumingin ako sa paligid at may nakita akong nakayukong babae. Alam kong si Cath yon.

"Cath." Tumingin siya sa akin. Umiyak ba siya? At parang ang lungkot niya. "Sorry." Bigla siyang nagsmile nung nag sorry ako.

"Ok lang. Alam mo namang takot ako diba? Pero iniwan mo pa din ako. Nakakatawa no. Nabitawan kita eh kaya lang pinilit ko naman na humawak ulit kaya lang wala ka na. Alam mo bang nadapa ako sa loob haha tanga tanga kasi. Pero pinilit kong tumayo. Hindi ko nga alam paano ako nakalabas doon eh. By the way thank you nga pala kasi binalikan mo ako." Ngumiti ulit siya. Pero malungkot pa din ang mata niya. "Pwedi na ba tayong mag surf dance? Kalimutan nalang natin ang part na to" Tumango ako. Kaya ayun hinihila nanaman niya ako papuntang surf dance.

Sabi nina mama, tita, at kuya Christian mag enjoy kami. Pero bat ganito ang ginagawa ko, nasasaktan ko si Cath. Babawi ako. Sisiguraduhin ko na mag eenjoy kaming dalawa.

----
Itutuloy.....

HIS&HER ONE SIDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon