Catherine's POV
Nakakatamad naman magreview. Ang daming quiz at project. Nirarush na kasi kami kasi malapit na ang finals lalo na graduating students kami.
"Anak may bisita ka." Mama
"Sino po ma?"
"Si Randrei. Nasa garden siya. Puntahan mo nalang." Tumayo na ako at pumunta sa may garden.
"Hi. Anong ginagawa mo dito?"
"Wala lang. Nakakatamad sa bahay eh. Nakabukas ba wifi niyo?"
"Wow ha. Oo connect mo nalang. Wala naman password yan." Mabait kaming kapitbahay eh. Haha.
"Iaupload ko lang yung picture namin ni Lovely sa star city." Aray! "Buti nandun din kayo ni Vince? Akala ko ba iniwan ka na non eh bakit sumasama ka pa sakanya?" Naalala ko nanaman yung pinag uusapan nila ni Vince
"Magkaibigan pa din naman kami. Siya nga pala, ano yung pinag uusapan niyo ni Vince kanina?" Natigilan siya sa tinanong ko.
"Wala ka na don."
"Hm ok. Kamusta na pala kayo ni Lovely?"
"Ok na ok kami. Ang saya nga eh kasi super close na namin. Tapos lalo kong napatunayan sa sarili ko na mahal ko siya." Arouch!
"O siya?"
"Mukha naman siyang masaya kapag kasama ko siya. Atsaka yung tingin niya. Iba na eh. Mukhang nagugustuhan na niya din ako. Pero kung mali man ang akala ko, hindi ako susuko. Gagawa ako ng paraan para mahalin niya din ako. Ganon naman talaga ginagawa ng nagmamahal diba?"
"Ah oo. Ganyan mga tao eh. Handang magpakatanga para sa love. Ok lang kahit tayo ang masaktan wag lang ang taong mahal natin." Ako. Naiiyak ako eh pero hindi pwedi.
"Malapit ng matapos ang 1 month. Alam mo ikaw lagi ang binabanggit niya. Lagi ka daw nasa tabi ko. Lagi ka daw nandiyan para sa akin. Bat hindi nalang daw ikaw ang minahal ko. Sasaya pa daw ako. Nung sinabi niya yon natawa ako. Sasaya daw ako? Sayo? Sa tingin ko hindi eh. Una sa lahat hindi ikaw ang mahal ko. Atsaka sinabi ko sa sarili ko na hindi ako magkakagusto sayo. Sana maisip ni Lovely yon no. Na siya yung mahal ko at hindi ikaw." Ang sakit. Mas masakit pala kapag diretsahan niyang sinabi.
"Ok lang yon. May ibang gusto si Cath. Kaya hindi ka din niya magugustuhan." Tinignan ko ang nagsalita.
"V-vince?"
"Hi Cath. Kamusta?"
"Anong ginagawa mo dito?" Randrei
"Namamasyal. Bawal ba? Sabi kasi ni tita ok lang na bumisita ako dito." Vince
"Kasi hindi pa niya alam na hindi na kayo magbestfriend ni Cathy." Randrei.
"Hindi na niya kailangang malaman. Baka kasi kapag nalaman niya, malaman niya din ang tunay na dahilan." Natigilan si Randrei. Ano bang tunay na dahilan?
"Kasalanan ko bang naging makasarili ka?" Randrei.
"Ako pa ngayon ang makasarili? Sa tingin mo sino sa ating dalawa ang makasarili?" Naguguluhan na ako.
"Ano bang pinagsasabi niyo? Bakit hindi kayo tumigil diyan?" Kailangan ko na silang patigilin. "Anong makasarili? Bakit kailangan mamili kung sino sainyo ang makasarili?"
"Cathy mauna na ako. Baka mag away lang kami kapag nagtagal pa ako dito." Umalis na si Randrei kaya si Vince ang kinausap ko
"Vince ano yung pinaguusapan niyo?"
"Wala yon."
"Sana kung alam niyong may masasaktan itigil niyo na yan." Ako
"May nasaktan na ako. Alam ko na may masasaktan balang araw at sisiguraduhin ko na nandun ako kapag nasaktan siya para gabayan siya." Vince. Ang bait talaga niya
"Tama yon. Kung sino man yung masasaktan na yon sana maging handa siya. Sana magpakatatag na siya. Kasi alam kong mahirap."
"Mahirap nga. Wag no ng isipin yon. Gawin mo na mga assignments mo. Uwi na ako." Vince.
"Sige ingat ka. Babye." Tumayo na siya ganon din ginawa ko.
Kawawa naman yung taong masasaktan na yon. Kung sino man siya sana makayanan niya.
Vince's POV
Pumasok na si Cath sa loob. Uuwi na ako. Tatayo palang sana ako ng biglang may magsalita.
"Pwedi ba tayong mag-usap?" Tinignan ko kung sino. Si Kuya Christian.
"Oo naman kuya. Nandito ka pala."
"Kamusta si Cath? Siya ba yung tinutukoy mo kanina?"
"Ha? Alin don?" Hindi dapat malaman ni Kuya Christian.
"Yung masasaktan. Siya ba?"
"Nasaktan ko na si Cath kaya hindi ko na siya hahayaang masaktan."
"Sana nga. Kasi kahit iniwan mo ang kapatid ko may tiwala pa rin ako sayo. Sige na uwi ka na." Tumango nalang ako at naglakad na paalis.
Sana kaya kong pigilan lahat ng pweding mangyari. Pero alam kong hindi ko mapipigilan kasi nangyayari na. Sisiguraduhin ko nalang na nandito ako sa tabi niya kapag nalaman na niya ang totoo.
----
Thanks. Mua. :*