Chapter 53

85 1 0
                                    

Catherine's POV

Napagpasyahan nina mama at papa na sa manila na kami mag aaral ni kuya. Yun naman talaga ang gusto naming magkapatid. Architecture ang kinuha kong course. Minsan stress madalas puyat pero nakakaenjoy naman. Sa mga kabarkada naman namin iba iba sila ng school na pinasukan at maganda lahat ng course na kinuha nila. After graduation hanggang ngayon hindi pa kami nagkikita kita. Text, fb at skype lang kami nagkakausap. Miss na miss ko na nga sila eh pero kailangan magtiis.

Si papa ilang weeks after graduation umalis din siya. Ok lang naman sa amin kasi nakaattend naman siya ng graduation ko at nakapamasyal at bonding pa naman kami bago kami umalis.

Ang daming nagbago simula nag college kami tapos hindi mo namamalayan na ang dami mo na palang nalalagpasan, ang dami mo ng natatapos. Parang kailan lang nung high school pa kami at sobrang imature kami. Yung mga super corny jokes pero tinatawanan pa din. Nakakamiss sila sobra.

Kaya hindi ko na matiis nagpauwi ako kay mama dito sa pampanga. Sumama na din si kuya. Ok lang naman kasi bakasyon na. Kailangan muna namin magrelax at mag enjoy.

So this is it. Makikita ko na sila ulit including Randrei. Ok na naman sa akin at alam kong ok na din siya.

Makikita ko na sila ulit. Ang tagal kong hinintay to. Im sooooooooo excited.

---------------------------------------------------------
Pumasok ako, grabe ang laki na ng pinagbago. Lalong lumawang inside and out. Ang lakas din ng tugtugan. Nakita ko na din yung mga familiar na mukha. Ang laki ng pinagbago nila. Dalaga at binata na talaga kami.

"Cath!!!!" Hindi ko masyadong makilala ang tumatawag sa akin. Mahaba ang buhok, nakacurl sa baba at nakakulay ng brown. Sino to? Habang papalapit siya doon ko lang siya nakilala.

"Micah!!" Niyakap ko siya. Namiss ko to.

"Nakita mo na ba si Ann?" Umiling ako. "For sure hindi mo makikilala yon."

"Micah tignan mo yung nakatalikod. Ang sexy oh. Ang flawless pa." Tinuro ko kay Micah yung nakadress sa harapan namin. Hindi naman yung dress na revealing ha.

"Ann." Parang slow motion na humarap yung babae sa harap namin. Whoa! Si Ann pala yon. Ang ganda naman ng babaeng to.

"Piwit. Sexy mo ha." Yung baliw tumawa lang.

"Ganda natin ha." Tumawa lang kami sa sinabi niya.

"Vince! Kate! Nandito na si Cath." Nagtinginan yung ibang tao. Nakakahiya to. Nakita ko si Vince at Kate wow sila pa din pala. 3 years na sila.

"Cath." Tumakbo si Kate papunta sa akin at niyakap ako. Si Vince naman ginulo lang buhok ko.

"Si Lovely?" Tanong ko sakanila.

"I'm here. I miss you all." Niyakap niya kaming lahat. Hihi kumpleto kami. Ang saya.

"Si Randrei?" Nagulat sila sa tanong ko. Nandito naman siguro yon diba? Kasi kami nga nasa bahay nila ngayon siya pa kaya. Atsaka siya yung nsg set nito kaya hindi pweding wala siya.

"Wait tawagin ko lang siya." Umalis si Vince maya maya lang din bumalik siya kasama si Randrei. Ok ang pogi niya lalo. Nag hi silang lahat sakanya ganon din naman siya.

"Hi." Winave ko ang kamay ko atsaka ako nagsmile sakanya. Ngumiti lang siya.

"Tara na start na natin." Niyaya niya kaming pumunta sa gitna. Inanounce niya din na magstart na. Syempre nagpray muna kami. After non meron daw games. By partner daw, kahit sino pwedi. Tinignan ko ang mga kabarkada ko at aba nga naman may kanya kanya na silang partner.

"Cath sino partner mo?" Tanong ni Lovely sa akin, siya kasi meron ng kapartner eh.

"Wala. Ako nalang magbabantay sainyo." Sagot ko.

"Randrei halika dito partner kayo ni Catherine." Tinignan ko kung sino.

"Ate Rachell?"

"Of course. Dalaga ka na Catherine. I miss you."

"I miss you too ate."

"Osige start na. Randrei!! Lalapit ka dito o lalapit ka? Partner kayo ni Catherine bilis." Tinignan ko si Randrei mukhang wala din siyang partner. Lumapit siya sa amin.

"Ok lang ba?" Tanong ko sakanya. Nag nod lang siya. Bakit parang naiilang to sa akin.

"Newspaper dance. Alam niyo naman lahat yon diba?" Anounce ni Ate Rachel. Siya daw kasi yung maghohost.

"Sure kang ok lang sayo?" Tanong ko ulit.

"Oo ok lang." Nagsmile ako sakanya. Nagstart na din ang game. Tawa kami ng tawa kasi yung iba wala pa man out na. Yung iba proud na proud lampas naman pala paa nila. Hay naku.

"Aba matatag ata tong dalawa nato. Vince at Kate ano ang gusto niyong sabihin kina Randrei at Catherine?" Kami nalang kasing dalawa ang natira.

"Mas payat kami ni Vince kesa sainyo kaya kami ang mananalo." Kate. Nagtawanan lang kami.

"O kayo naman ano ang gusto niyong sabihin sakanila?" Wala akong maisip kaya siniko ko si Randrei. Nung una ayaw pa niya pero mukhang nasaktan na ata sa pagsiko ko sakanya.

"Mas matatag kami ni Cath-erine kaya kami ang mananalo." Nagsigawan sila kami naman nag apir. Pinlay ulit ang music at nung nagstop na binuhat ako sa likod ni Randrei. Si Vince naman binuhat si Kate na parang pangkasal.

"Last 20 seconds." Ate Rachel. Nagulat kaming apat kasi bakit ang tagal bago matapos. Mangangawit yung mga nagbubuhat eh.

"Last 10 seconds. 10,,,,,,,,9,,,,,,,,,8" ang bagal magbilang ni ate Rachel.

"Ate bilisan mong magbilang!" Sigaw ni Randrei. Biglang nag aching si Kate kaya gumalaw siya at naging dahilan kung bat na out of balance si Vince. Isang paa lang kasi ang gamit nila. It means kami ang nanalo. Binaba ako ni Randrei at nag apiran ulit kami.

Madami pa kaming nilarong games. Pero nag break muna kami. Kakain muna daw kami para after non full energy nanaman kami. Kumain kami ng sama sama pwera kay Randrei at Vince. Ewan ko kung saan pumunta ang mga yon. Kwentuhan lang kami tungkol sa college life, akala ko ako lang ang naistress sila din pala.

"Guys wait lang ha. Cr lang ako." Naglakad ako para pumunta sa cr ng may marinig akong nag uusap sa may kusina. Tinignan ko kung sino sila, si Vince at Randrei lang pala. Aalis na sana ako kung hindi ko narinig ang pangalan ko.

----

Itutuloy. Malapit na po ang ending.
Thank you soooo much. :*

HIS&HER ONE SIDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon