Catherine's POV
Saturday na ngayon at last practice na namin. Ok na kasi yung sayaw namin atsaka maraming hindi pwedi bukas kasi family day.
"Guys guys guys. Pag usapan na natin yung about sa mga gagamitin natin." Randrei.
"Oo nga wala pa pala tayong costume." Ako
"Anong suggestion niyo about sa susuotin natin?" Randrei.
"Napagusapan na kasi namin ni Lovely yung tungkol diyan parang malinis tignan kung white." Kate
"Black yung napag usapan namin ni Micah. Para maangas tignan." Ann.
Tinignan ko si Vince at Randrei.
"Kayong tatlo? Ano sa tingin niyo?" Micah
"Neon color" Nagtinginan kaming tatlo at tumawa
"Pinag usapan niyo?" Lovely.
"Hindi." Sabay sabay ulit kami.
"Ok ok. Ok lang ba sainyo kung neon colors ang susuotin nating shirt?" tanong ko sakanila.
"Meron akong alam na bilihan, kung ok lang sainyo ako na ang bibili." Vince.
"Sige neon nalang." Lovely.
"ok ako sa neon." Kate
"Hmm ok din sakin." Ann
"Neon for win." MicahNag apiran kaming tatlo nina Vince at Randrei.
"Tapos black pants." Lovely. Nag nod kaming lahat.
"Meron kayong white na sapatos? Yung style converse." Vince.
"Diba nung third year gumamit tayo ng white shoes? Ginamit din natin sa p.e." me
"Ay oo nga no." Ann
"Meron tayong lahat no?" Nagnod ulit kami.
"Neon shirt. Black pants. White shoes with neon lace? Ok?" Randrei. Nagnod ulit kami at nag apiran kaming lahat.
"For girls. Nakaponytail tayo ng mataas ha. Neon din gagamitin natin. Hanap tayo ng neon na ribbon." Ako
"Sure." Girls.
"O kayo boys?" Tanong namin sakanila.
"Kami na ang bahala don." Kinindatan nila kaming girls.
"Kapag yan epic humanda kayo sa amin." Kate.
"Ok na ba lahat? Uwi na tayo. Para makapagpahinga tayo. Cath nasan si tita?" Micah
"Umalis siya." Ako
"O si kuya Christian?" Micah. Tinignan ko siya. Iba kasi ngiti niya eh.
"O bakit?" Micah
"Wala lang." tumawa ako. "Wait lang tawagin ko lang siya." Pumasok ako at umakyat papunta sa kwarto ni Kuya.
"Kuya!!" Kumatok ako habang sumisigaw.
"o napano ka? Ingay mo." Pagbukas niya ng pintuan ang lamig. Nakatodo nanaman aircon nito. Pumasok ako sa loob ng kwarto niya at sumilip sa labas. Makikita mo dito yung garden kaya nakikita ko ang mga kagroup ko. Nakita ko si Randrei na nakatingin kay Lovely. Pagkatapos ng monday, back to normal na ba ulit kami ni Randrei?
"Iniisip mo siya no? Hindi pa din ikaw ang gusto niya kaya wag ka ng umasa." Kuya.
"Wow kuya kapatid ba talaga kita? Alam mo ba yung kasabihan na truth hurts?" Punung punu ng sarcasm ang pagkasabi ko.
"Gusto ko lang naman malaman mo ang totoo. Pagkatapos niyang ginagawa niyo? Paano na kayo? Naiset mo na ba yang utak mo sa mangyayari?"
"Hindi pa. Masyado kasi akong nag enjoy sa kasalukuyan. Diba sabi nila ienjoy mo muna kung ano ang ngayon bago mo isipin kung ano ang mangyayari bukas. Kasi kapag pinabayaan mo ang mangyayari ngayon hindi mo na mauulit bukas. Kuya sa tingin ko mahihirapan nanaman akong mag adjust neto eh. Sinanay ko nanaman ang sarili ko na nasa tabi ko siya, na masaya kami. Kuya anong gagawin ko?"
"Yan kasi. Hayaan mo na. Tutal malapit na kayong mag graduate, malapit na din kayong maghiwahiwalay kaya ok lang yon."
"Ay bahala na nga. Kuya hinahanap ka pala nila. Papaalam na ata sila. Tara na baba ka na."
"Teka mag aayos lang ako." Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.
"Ang arte mo ha. Maayos naman yang suot mo. Yung itsura mo, hm pwedi na wala din naman magbabago. Kaya tara na." Hinila ko na siya palabas ng kwarto niya hanggang sa paglabas namin hanggang garden.
"Ayan na si Cath." Kate
"Cath ang tagal mo-o-o-o-o" Micah. Natawa ako sa itsura niya. Nakatingin pa man din siya kay kuya. Masyadong halata tong babaeng to.
"May sinasabi ka?" Tumatawa pa din ako
"Ah wala." Lumapit siya kay Ann
"Kuya thank you po pala. Pakisabi nalang din po kay tita at manang thank you. Pasensya po sa ingay at istorbo." Lovely. Sunod sunod silang nag thank you including Micah, Vince at Randrei.
"Wala yon. Sige sabihin ko nalang sa kanila." Todo smile naman to.
"Sige kuya alis na kami." Ann
Umalis na sila nasa hulihan si Vince at Randrei. Tinignan nila ako atsaka na umalis.
"Tinatakot mo no."
"Hindi ko ha. Todo ngiti pa nga ako sakanila diba? Nakita mo naman diba?" Kuya
"Ewan ko sayo."
"Pasalamat sila wala ako dito this past few days."
"Kuya nag enjoy naman ako. After nito di ko na alam."
"Yan kasi. Tara na pasok na tayo may laban ginebra ngayon."
"Talaga?! Tara na." Inakbayan ako ni Kuya at pumasok sa loob
Sabi ni papa hindi daw maganda yung sobrang saya kasi after non malulungkot daw. Alam kong nag enjoy at naging masaya akong kasama sila. Kasama si Randrei, pero paano after nito? Back to normal ba? Hindi na niya ba ako ituturing na kaibigan? Sana ok na kami tutal kaya naman namin maging ok diba kaya naman namin maging magkaibigan. Bakit hindi nalang namin ipagpatuloy to.