Chapter 15

71 1 0
                                    

Catherine's POV

Kinabukasan pumasok ako sa school ng wala sa mood. Ayoko munang makita si Randrei baka ano lang masabi ko sakanya.

"Cathy." Speaking of the paasa.

"Cathy!" Huminto ako sa paglalakad.

"Cathy bakit hindi ka pumunta kahapon sa park? Hinintay kaya kita." Hinintay daw niya ako.

"Hinintay mo nga ko. Mga gaano katagal? 15 minutes?"

"Cathy hindi mahalaga kung gaano kita katagal hinintay. Kasi diba hindi ka naman sumipot."

"Ah sorry ha. Akala mo kasi hindi kita pinuntahan eh. Pero thank you sa paghihintay. Pasok na ko ha." Naglakad ako palayo pero lumingon ulit ako sakanya. "Alam ko naman na nag enjoy ka sa date niyo ni Lovely." Ngumiti ako sakanya pero siya halatang naguluhan sa sinabi ko. Tumalikod ulit ako at umalis na.

Alam ko na mag-aaway nanaman kami kaya siningit ko na si Lovely, siya lang naman makakatanggal ng inis ni Randrei eh.

Hinintay daw niya ako? Grabe no. Hinintay ko din naman siya ha. Yung pinagkaiba namin siya hindi niya na nahintay yung pagdating ko. Ako hinintay ko ang pagbalik niya pero wala.

HIS&HER ONE SIDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon