Chapter 27

62 1 0
                                    

Catherine's POV

Pagkatapos ng celebration sa school umuwi kami. Syempre kasama pa din sina Vince, Ann, Micah, Lovely at Randrei. Tinawagan na din ni mama mga family nila para iinvite dito sa amin.

"Ate Cath!! Happy birthday." Tinignan ko ang papalapit sa akin. Si Venice. Kapatid ni Vince. "May regalo ako sayo ate. Mamaya mo nalang buksan ha. I miss you ate." Niyakap niya ko kaya niyakap ko din siya.

"I miss you too. Kamusta ka na?"

"Ok lang ate. Pero minsan nalulungkot ako kasi namimiss kita. Wala na akong kasamang pumunta sa mall. Bat ba hindi ka na sinasama ni kuya sa bahay?" Tinignan ko itsura ng mga kasama namin nagulat ata sa tanong ni Venice.

"Sige sa susunod sasamahan kita. Bat di ka patulong kay Kate?" Tanong ko sakanya.

"Hindi na din siya pumupunta sa bahay. Atsaka ate hindi kasi kami pareho ng type kaya hindi kami magkakasundo kapag nagmall kami. Ikaw lang gusto ko kasama."

"Mabait si Kate at pwedi mo naman sabihin sakanya kung ano ang type mo para malaman niya. Dapat din masanay ka na na si Kate ang lagi mong kasama."

"Ayoko." Well maldita to eh

"Ang taray mo talaga Venice. Kain ka na don sama mo kuya mo." Ann.

"Tinuruan ako ni Ate Cath eh. Ok. Kuya samahan mo ko tara na." Walang nagawa si Vince kaya sinamahan niya na ito.

"Catherine!!"

"Ate?!" Randrei. Mukhang alam ko na kung sino. Nakatalikod kasi ako sa pinto kaya hindi ko agad makikita yung mga bagong dating.

"Hi little bro." Nilagpasan niya si Randrei at dumiretso sa akin. "Hi Catherine happy birthday. I miss you. Be happy." Nagbeso siya sa akin.

"Thank you ate. Bakit mo ko miss eh kailan lang tayo nagkita."

"Pareho kasi kami ni ate ko. Kapag importante sa amin ang isang tao kahit kakakita lang namin sa kanya agad agad namimiss namin. Parang yung nararamdaman ko kay lovely." Natahimik ako sa sinabi niya. Napansin ata ni Ate Rachelle.

"Oo kaya ka nasasaktan eh. Meron naman kasing iba diyan na minamahal ka pero hindi mo maappreciate." Natigilan si Randrei.

"Tumigil na nga kayo. Ganyan talaga ang buhay kaya hindi natin masisisi ang mga tao." Ako.

"Tama na. Happy birthday ulit Catherine. Enjoy your day. Wag mo na isipin sinabi ng ibang tao diyan." Inisnob niya si Randrei.

"Randrei samahan mo na si ate. Kain na kayo don. Sunod nalang kami." Tumango si Randrei at pumunta na sa dining.

"Sinong gusto mong maging sister-in-law dun sa dalawa?" Ann

"Hirap naman niyan." Micah

"Easy lang lalo na kung alam mo ang sagot." Lovely

"Birthday ko pa po oh."

"Nagtatanong lang kami para alam na namin ano ireregalo sayo next year." Micah.

"Mga baliw kayo no. Di ko naman kailangan mamili sa kanilang dalawa. Malay natin wala sa kanilang dalawa ang para sa akin. Lovely kamusta na pala kayo ni Randrei?" Tinignan ako ni Ann at Micah. "Alam mo sayo lang nag kaganyan si Randrei. Mahal ka kasi talaga niya."

"Pero hindi siya ang mahal ko." Lovely

"Matututunan mo din siyang mahalin. Mabait naman siya eh. At for sure hindi ka niya sasaktan."

"Bakit mo ba pinagpipilitan si Randrei kay Lovely, ikaw nalang kaya magpaligaw sakanya?" Ann. Nag apir pa silang dalawa.

"Hin..." Hindi ko natuloy ang sinasabi ko dahil biglang may nagsalita.

"Ayoko. Kasi hindi naman si Cathy ang gusto ko. Si Lovely." Tinignan ko si Randrei at nasa likod niya si Vince.

"Ahh. O-oo. Tama si R-randrei." Ngumiti ako sakanila. Pinilit kong hindi ipahalata na peke ito.

"Ate Cath" Venice
"Catherine" Ate Rachelle.

Thank you sa pagdating niyo.

"Bubuksan ko na regalo na binigay niyong dalawa. Samahan niyo ko ha. Una na ko sa garden." Tumalikod ako sakanila.

Kailangan harap harapan? Sabagay tama lang yon para hindi na ako aasa na magugustuhan niya ako.

---

Mahirap umasa right?
Thank you. :)

HIS&HER ONE SIDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon