Chapter 49

52 0 0
                                    

Catherine's POV

Sinabi ng adviser namin na ako daw ang valedictorian kaya tinext ko mga barkada namin na magmall kami at treat ko. Nag gm ako sa kanilang lahat pero si Randrei tinext ko siya na hihintayin ko siya kahit na alam kong hindi siya pupunta. Nakakatawa no, barkada pa din ang turing ko sakanya kahit na ganon ang ginawa niya sa akin. Nakakatawa na kahit nasaktan niya ako hinihintay ko pa din siya gusto ko pa din siyang makasama. Gusto ko lang naman na maging maayos kami bago kami mag graduate .

Kasama ko na ngayon si Ann at Micah hinihintay nalang namin si Vince, Kate, Lovely at Randrei. Nagbibiruan lang kami ng biglang may nagsalita.

"Congrats Cath." Tumatakbo papunta sa amin si Kate at Lovely at niyakap ako.

"Alam niyo na agad?" Hala nalungkot ata sina Ann at Micah balak kasi nila sila daw magsasabi sa mga kabarkada namin.

"Oo naman kalat na kaya no. Duh. Congrats din Micah at Ann." Lovely.

"Thanks." Micah

"Ako? Wala nga ako sa top 5 eh." Ann. Nagtawanan kami sa sinabi niya.

"Congrats Cath." Tinignan ko si Vince at nagsmile.

"Thank you." Nagulat ata siya sa ginawa ko. Narealize ko kasi na wala naman siyang kasalanan eh. Natakot lang naman siya na madamay kapatid niya diba kaya bakit ako magagalit sakanya eh kahit ako ayaw kong masaktan si Venice. Nagsmile din naman si Vince. Tumingin ako sa likod nila baka kasama nila si Randrei pero wala man tao.

"Cath ok ka lang?" Ann

"Oo naman. Tara na?"

"Wala pa si Randrei." Ann.

"Sa tingin mo ba darating yon?" Tanong ko sakanya. Hindi siya nakasagot.

"Hintayin nalang natin siya." Vince. Umupo muna kami. Nagtatawanan at nagkukulitan sila habang ako tingin ng tingin sa gate at sa orasan ko.

"Tara na. Mukhang hindi na darating yon." Oras na din naman.

"Sure ka?" Vince.

"Oo. Tara na." Naglakad na kami paalis. Tumingin ulit ako sa gate pero wala pa ding Randrei eh. Huminga ako ng malalim at nagsmile. Ok lang yan alam ko naman na may dahilan siya kaya wala siya ngayon. Ieenjoy ko nalang tong araw na to. Thank you God kasi Valedictorian ako at kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko. Thank you po.

HIS&HER ONE SIDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon