Chapter 39

64 1 0
                                    

Catherine's POV

Uuwi nalang ako sa bahay. Alam ko na sina mama lang makakaintindi sa akin ngayon. Pagpasok ko sa bahay si kuya nanonood ng tv.

"Panget tara nuod tayong PBA. Nakapasok si Tenorio oh." Tinignan ko lang siya atsaka na ako naglakad papasok sa kwarto ko. Wala pa ako sa mood.

Christian's POV

Nakita kong pumasok si Cath sa bahay.

"Panget tara nuod tayong PBA. Nakapasok si Tenorio oh." Tinignan niya lang ako tapos nilagpasan. Mukhang wala sa mood si kapatid ko.

"Ma punta ka sa kwarto ni Cath. Sabihin mo may triple choco choco sa ref."

"Bakit hindi nalang ikaw? Tinawag mo pa akong ma eh uutusan mo din naman ako."

"Sige na ma. Para matignan natin kung may problema siya o wala. Inaya ko kasi siyang manuod ng PBA no response. Kaya baka kapag ikaw atsaka triple choco choco pumayag kumain yon."

"Ikaw inuuto mo nanaman ako. Osige wait lang."

Pumunta kami ni Mama sa harap ng kwarto ni Cath.

"Cath. Anak may cake don sa ref triple choco choco. Magmiryenda ka muna." 1 second 2 seconds 3 seconds 4 , 5 . No response din

"Ma ulit."

"Anak gusto mo pandala kita diyan?"

"Ayoko ma." Confirm.

"Nak anong nangyari don sa kapatid mo?"

"Aba ewan ko. Chat mo si papa, ma. Online siya. Sabihin mo kausapin niya si Cath."

"Aba ikaw bata ka! Kanina mo pa ako inuutusan ha. Ikaw ang magsabi sa papa mo. Marami pa akong ginagawa." Napakamot ako sa ulo ko. Ako na nga lang magsasabi kay papa. Ay naman oh. Yung PBA nakalimutan ko!! Tumakbo ako pabalik sa sala.

Catherine's POV

Nakahiga lang ako dito sa kwarto ko ng biglang may nagtext sa akin.

From: Papa
"Nak online ka muna"

Tumayo ako para kunin yung laptop. Inayos ko muna ang sarili ko bago nag online sa skype.

"Hi papa. Kamusta po?"
"Ok lang ako anak. O ikaw kamusta ka diyan?"

Nagsumbong siguro sina kuya. Hindi ako naglilihim kay papa. Papa's girl kasi ako.

"May konting problema lang pa."
"Kwento mo na dali. Habang walang ginagawa si papa."
"Sige na nga. Kasi pa kilala mo si Randrei diba?"
"Oo. Napano siya?"
"Eh hm crush ko siya. Joke. Gusto ko kasi siya. Tapos meron siyang ibang gustong babae. Diba alam mo na yon?"
"Oo. O kahit na kwento mo pa din."
"Tas yon. Tinulungan ko siya dun sa gusto niya. Tiniis ko kahit masakit. Tapos nagset siya ng date or surprise para sa babae. Tas sabi ng babae may iba siyang mahal, hindi si Randrei."
"O bakit mo pinoproblema yon?"
"Hindi naman po yon. Wait lang kasi."
"Sorry. Tuloy mo na."
"Ediba nabasted siya. Tapos nilapitan ko siya tapos sabi niya di niya man daw ako tinuring na kaibigan. Kailangan niya lang daw ako para mapalapit siya dun sa babae. Yung closeness namin na akala ko totoo ay hindi pala. Gawa gawa niya lang. May purpose pala talaga siya sa pakikipagclose sa akin. Yun ay yung gamitin akong way para sakanila nung babae. Tapos akala ko yon lang, hindi pa pala. Siya din yung dahilan bakit iniwan ako ni Vince."
"Vince?!"
"Wait! There's more. Alam ni Vince lahat. Lahat lahat. Alam niya na masasaktan ako sa ending ng kwentong to."
"Gusto mo bang kausapin ko si tita mo about dito?"
"Hindi na po. Maliit lang na bagay to. Alam kong kaya ko to."
"Alam ko ding kaya mo yan anak."
"Syempre po. Para saan pa ang pagiging maganda ko kung hindi ko kakayanin to diba?" natawa si papa sa sinabi ko.

"Para saan pa ang pagiging pogi ko kung hindi kaya ng maganda kong kapatid yan." tinignan ko sila ni mama. Pumapasok ng walang paalam.

"Para saan pa ang pagiging maganda kong nanay kung hindi kaya ng maganda kong anak yan." hindi naman sila papatalo eh

"Hay nako. Kayo talaga. Gaganda ng lahi niyo no?" natawa kami kay papa. Halatang sarcastic eh. "Para saan pa ang pagiging gwapo ko kung wala akong maganda at poging anak at syempre magandang asawa diba?" nagtawanan kaming lahat.

"Oo na po. Sige na pa magrereview na ko. Finals na namin. Handa mo na regalo ko ha. Babye." nagflying kiss ako sakanya.

"Ma, kuya sa labas nalang kayo mag usap ni papa. Dalhin niyo nalang yung laptop don." Dinala na nila ang laptop atsaka na lumabas.

Sabi ko na nga ba eh. Pamilya ko ang magpapasaya sa akin. Oshana magrereview muna ako.

HIS&HER ONE SIDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon