Chapter 47

52 0 0
                                    

Vince's POV

Minsan nakakasakit na ng puso si Cath. Bakit ba siya nagagalit sa akin? Nung una naiintindihan ko bakit niya nagagawa ang mga yon kasi alam kong nasaktan siya. Nasaktan din naman ako ha at sa ginagawa niya ngayon lalo akong nasasaktan.

Oo alam kong masasaktan siya. Wala ba akong ginawa? Meron naman kahit papano. Pinigilan ko si Randrei sa balak niya kay Cath. Ilang beses yon. Ayaw ko naman sabihin kay Cath ang totoo dahil ang kapatid ko naman ang masasaktan. Bawat sinasaktan ni Randrei si Cath agad agad nasa tabi niya ako. Hindi pa ba sapat yon? Buti pa si Randrei gusto niyang maging kaibigan kahit na never siyang tinuring na kaibigan nito. Pero ako, ako na naging bestfriend niya hindi niya kayang patawarin dahil sa kagagawan ng taong pilit niyang minamahal. Kahit hindi na mabalik ang bestfriend sa akin ok lang naman eh. Naiintindihan ko yon. Pero sana naman wag niyang ipagkait sa akin ang pagiging magkaibigan dahil simula umpisa hindi ko ginusto ang lahat ng to.

Sana matauhan na si Cath, nakakapagod eh. Yung alam mong pinagsisisihan mo na lahat. Nakokonsensya ka na. Inako mo na lahat kahit hindi lang ikaw ang nagkamali. Sana hindi siya malamon ng galit at takot diyan sa puso niya. Dahul habang nandito ako sisiguraduhin ko na mapoprotektahan ko siya. Kaya sana mapatawad niya na ako.

HIS&HER ONE SIDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon