CHAPTER 3

129 2 0
                                    

Catherine's POV

"Cath anong meron sa bestfriend mo at kay Kate?" Bungad sa akin ni Micah pagpasok ko sa room.

"Si Kate? Yung sa kabilang section?" Tanong ko sakanya

"Oo. Lagi silang magkasama eh. Wag mong sabihing di mo alam. Bestfriend ka niya." Sagot naman ni Ann.

"Ah eh di ko pa siya nakakausap simula last week. Hindi din siya nagtetext sakin simula last week. Busy ata eh." Simula last week kasi hindi nagpaparamdam sa akin si Vince.

"Ay ako wala akong tiwala sa Kate na yan. Kaya Cath mamaya tanungin mo si Vince." Si Ann. Hay naku.

"Good Morning class!" Bati sa amin ni Ma'am Dayrit. Nanahimik nalang kami.

Buong discussion wala akong naintindihan. Math pa man din to. Papaturo nalang ako kay Micah.

Iniisip ko kasi yung sinabi nila. Si Kate kasi iba eh. Sabi nila walang nagtatagal sa mga nakarelasyon niya atsaka kasi ganyan aura niya.

"Uy Ann, Micah puntahan ko lang si Vince ha. Una na kayo sa canteen." Tumango sila atsaka na umalis. Ako naman pumunta sa may park hihintayin ko nalang dito si Vince, natext ko na naman siya.

"Cath." Hindi ako agad lumingon. Kaboses siya ni Vince pero bakit Cath lang ang tawag niya.

"Cath." Nakalapit na pala siya sa akin. Ngumiti nalang ako sakanya para hindi halata na nagtataka ako sa tinawag niya sa akin.

"Nandiyan ka na pala. Upo ka muna." Umusog ako sa upuan pero nanatili lang siyang nakatayo sa harapan ko.

"May sasabihin ka ba?"

"May tatanong lang ako. May something ba kayo ni Kate?"

"Gusto ko siya. Gusto din niya ako. Sa tingin ko may something nga sa amin. May itatanong ka pa ba? May gagawin pa kasi ako eh."

"Wala na. Sige ok na. Thank you." Ngumiti ako sakanya. Ngumiti din siya pero halatang fake.

Pinanuod ko lang siyang maglakad palayo sa akin. Bat ganon ang trato niya sa akin? May nagawa ba ako? Hindi naman ako kokontra sa nararamdaman niya eh. Baka nakalimutan niya na bestfriend niya ako. Tanungin ko nalang nga siya sa susunod. Baka busy lang sila tapos naistorbo ko siya kaya wala siya sa mood.

Tumayo na ako sa bench pero pagkatayo ko nakita ko yung bigay kong panyo sakanya. Nahulog niya siguru kanina. Pinulot ko siya, lalabhan ko na muna bago ko ibalik sa kanya. Naglakad na ako palayo sa park para kumain.

-----

Thank you. :*

HIS&HER ONE SIDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon