Chapter 31

59 1 0
                                    

Vince's POV

Kakaiba talaga si Cath parang walang kapaguran. Pagkatapos kasi namin sumakay sa surf dance, nag jungle splash kami (wild river), nagyaya siya sa turnado, nagblizard, viking, freesbee , star flyer at bump car. Hindi ko alam paano niya nakayanan ang mga yon, ako kasi malapit ng mahilo. Sobrang dami namin ginawa di namin napansin na gabi na pala.

"Cath ferris wheel tayo."

"Gusto mo ba talaga?"

"Oo maganda ang view ngayon lalo na gabi."

"Ah eh osige. Tara." Hinawakan niya ako. Ang lamig ng kamay niya. Teka lang...

Flashback

"Cathcath sakay tayo sa ferris wheel."

"Ayoko takot ako."

"Ang baba lang oh. Tapos umiikot lang siya."

"Yun nga eh. Ayoko kasi ng ganyan. Natatakot ako. Ayoko ng nakastay at nakakulong ako sa mga ganyan. May phobia ako diyan. Sorry ha. Sige ikaw nalang papanuorin nalang kita dito."

End of flashback

Binitawan ko siya. At nagulat siya sa ginawa ko.

"Wag na pala tayo diyan. Iba nalang."

"Nandito na tayo oh malapit na tayo kaya dito na tayo." Hinawakan niya ulit ako, lalong lumamig ang kamay niya.

"Ayaw mo sa mga ganyan."

"Pero ikaw gusto mo diba? Tara na." Dahil lang ba sa akin kaya siya sasakay dito?

"Ok lang. Halika na sa iba nalang tayo."

"Vince ok lang ako. Kaya ko to. O tayo na pala eh. Tara na." Hindi ako umalis sa tinatayuan ko kaya hinila na niya ako. Nakasakay na kami ngayon. Nakatingin siya sa labas pero diretso lang ang tingin niya. Ayaw ata niya tumingin sa baba. Napangiti ako. Ayaw niya sa ferris wheel pero sumakay siya kasi ako gusto ko. Mataas ang ferris wheel kaya matagal bago kami nakababa. Pagkatapos namin sumakay naglakad lakad lang kami. Bumili din kami ng ice cream. Favorite namin to eh. Umupo kami sa labas. Makikita mo yung star flyer dito.

"Vince thank you."

"Thank you din Cath."

"Nagawa natin yung plano natin dati. Ang saya ko." Nakatingin siya sa langit habang nakasmile. "Lagi ko tong pinagpepray eh. Na sana makapunta ulit tayo dito. Nakapunta tayo kaya lang marami ng nagbago sa ating dalawa. Pero ok lang yon atleast nakapunta diba. Gusto ko lang malaman mo na kaibigan pa rin kita." Nabigla ako sa sinabi niya. "Sorry sa mga nangyari ngayong araw kung ang drama ko , kung minsan nasasaktan ako. Sana wag mong isipin na pinagpipilitan ko ang sarili ko sayo. Gusto ko lang kasing makapunta ulit dito na kasama ka. Hindi ko naman ipagpipilitan ang sarili ko sayo kasi kapag ginawa ko yun mahihirapan ka eh. Kapag kasi may Cath diyan sa puso mo hindi ka sasaya. Ang drama ko nanaman ba? Sorry ha. Baka kasi pagkatapos ng araw na to wala na akong chance na sabihin sayo to. " Huminga siya ng malalim "Tinanong kita dati kung dito ka masaya sabi mo oo. Hindi ako naniwala. Ayokong maniwala. Sabi ko kasi actions speak louder than words. Tas yon napatunayan ko na totoo ang sinabi mo. Alam ko may dahilan ka bakit mo nagawa yon. Naiintindihan kita." Huminto siya atsaka siya nag smile. "Halika na bibili pa tayo ng pasalubong. Pagkatapos nun uuwi tayo sa Pampanga."

"Pero sabi ni tita dito muna tayo."

"May choice naman tayo. At pinipili ko na uuwi tayo sa Pampanga. Para makapagpahinga ka din."

"Ok lang ako Cath."

"Tigas talaga ng ulo mo. Uuwi tayo sa Pampanga. Tignan mo itsura mo oh. Pumikit ka lang makakatulog ka na eh. So tara na?" Tumango ako at hinila nanaman niya ako.

"Ate magkano po itong dress na ito?" Bago maitaas ni Cath ang dress may kumuha na. Tinignan namin siya ni Cath at nakita namin si Randrei.

"Lovely bagay mo to oh. Kasya mo naman diba."

"Hi vince. Hi cath." Lovely.

"Hi." Ako at cath

"Randrei ako nauna diyan sa dress."

"Pili ka nalang ng iba. Mas bagay ni Lovely to kesa sayo." Tinignan ko si Cath natigilan siya pero ngumiti ulit siya.

"Sabagay. Mas bagay nga ni Lovely. Hanap nalang ako ng iba. Sige ha. Bye Lovely. Tara na Vince." Hinila nanaman niya ako.

"Vince mas bagay ni Kate yung dress na yon diba? Si Lovely kasi hindi mahilig mag dress." Para kay Kate dapat yung dress? "Pero pipili pa tayo ng iba."

"Eto kaya Vince. Bagay din to ni Kate." Tinaas niya ang isang sandals na may heels.

"Mas bagay mo" Ako.

"Hindi nag hiheels si Cathy." Randrei "Atsaka mas bagay ni Lovely yan." Tinignan namin si Lovely pero busy siya sa pagtingin sa mga damit.

"Ah ok. Sige pili kami ng iba." Mukhang naiinis na si Cath

"Nakakabwisit yung Randrei na yon. Ang epal."

"Bakit ka mabwibwisit? Kasi sinasabi niya na mas bagay ni Lovely kesa sayo?"

"Tse! Syempre hindi. Para kay Kate ang pinipili ko. Hindi para sakanya. Ang epal niya talaga." Natawa nalang ako. "Tinatawa tawa mo?"

"Hindi mo ba napapansin, ikaw ang pili ng pili para kay Kate ako chill lang. Bat di ka nalang mamili ng para sayo?"

"Ayoko." Haay. Matigas ulo nito eh. Nagtingin tingin ako sa mga tindahan. Ayun tindahan ng mga tshirt. Hinila ko siya papunta don.

"Cath maganda ba?" Tinaas ko ang Tshirt na may nakasulat na letter V sa left side. Yung tingin ni Cath nag iba

"Wow ang cute."

"Ate tigmagkano po to?"

"200 lang iho."

"Meron po ba kayong letter C?"

"Vince. Bat C eh K yung start ng pangalan ni Kate." Natawa ulit ako at ginulo ko buhok niya. Naghanap ako ng letter C. Syempre meron. Bumili ako ng may letter V at C.

"Nagpalit na ba ng spelling ang pangalan ni Kate?"

"C? Catherine yon." Nagulat ata siya. Speechless eh. "O sayo yan ha. Suot mo yan. Wag ka ng choosy."

"Salamat." Nagsmile siya. Ang totoong ngiti ni Cath. Nakakamiss yon.

"Tara uwi na tayo. Baka makasabay pa natin si Randrei."

"Tse! Sabagay baka nga makasabay natin siya. Tara na." Hawak hawak niya kamay ko habang tumatakbo kami. Para kaming mga bata pero ok lang.

Thank you Lord for making this day enjoyable. And for giving me a friend that can understand me and makes me happy. Thank you po kay Cath

----

Thank you guys. :)

HIS&HER ONE SIDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon